Sa mga nakakalimot na at hindi pa nakakauwi sa Balsahan, ito ang mga bahay sa ating munting nayon mula sa labasan papasok sa looban. Narito ako para isa-isahin sa inyo at sariwain sa inyong mga ala-ala ang mga pamilyang nakatira dito.May ibang pamilya na rin na nakatira at may mga pagbabago dito pero ang ating babanggitin ang mga orihinal na nakatira dito. Tara na at samahan ninyo ako.
Kung tayo ay galing sa plasa ang unang bahay sa bandang kanan ay kay Ka Pitong Javier. Sa ilalim nito ngayon ay ginawan na ng anak nilang si Boy na commercial stalls. Kasunod naman ay kay Lola Siyanang at mayroon na ring opisina na travel agency. Tinatawag namang white house ang kina Kaka Asias Ibanez dahil mataas ito at kongkreto at may pintang puti. Unang mabubungaran ang bahay nina Kaka Edios at Kaka Julian na nanghihilot ng mga bali. Papasok sa may bandang loob kina Kaka Toyang Unawa at doon naka pwesto ang electronic shop ng anak niyang si Egay at katabi nito ang pinagawang apartment ni Nanding Unawa na anak ni Ate Nene. Paglabas uli ay kina Ate Eva Pascual. Kina Kaka Enteng at Kaka Aneng Arcega ang katabi sumunod kina Lolo Nardo at Lolo Pando Gutierrez. Sumunod naman ay kina Kaka Trining Asejo katabi ng Balsahan Elementary School.
Lumipat naman tayo sa kabilang tabi. Kina Ate Virgie Ganac ang nasa harapan at papasok tayo sa callejon . Sa kanan ay kina Kuya Mario at Ate Ellen Yumang , sumunod naman kina Kuya Eboy Pelina. Sa tapat ang kina Uncle Addie Mangahas sumunod din kina Kaka Pacing Kano Garcia. Sumunod din ang aming dating bahay nina Nanay Luz at Tatay Pileng Gutierrez at kina Lola Goya Repil naman ang sumunod.
Lumabas uli tayo at ang susunod na bahay ay kina Kaka Danding at Pacita Jocson na may malaking tindahan na pinamamahalaan ni Ninang Naty Pisig, mayroon dati ditong dental clinic si Ninong Ome. Lumaktaw tayo papuntang badayo, kina Kaka Tacio Arrieta ang sumunod at katabi ang bagong gawang bahay nina Kuya Berto Nazareno. Katabi ang Shell gasoline station ng mga Reyes at tindahan nina Kuya Lito Reyes. Sa itaas nito ay kina Lola Trining Reyes . Sa tapat ng gasolinahan dati nakatira sina Kuya Rene at Ate Gloria Reyes pero pinagawa na ito ng anak nilang si Angie .Katabi dito ang bahay ni Kuya Lito. Sa pagitan nito ay may eskinita papasok kina Ate Lourdes Antiojo at Ka Felimon na nagtatawas ng mga nababati. Katabi nila ay kina Kuya Erneng Sandejo.
Punta na tayo sa badayo, naandoon ang bodega ng yelo kung saan nakakabili ng guhit -guhit na yelo pang halo-halo. Sa bandang loob pa ay kina Magno at Precy Arguelles katabi ang bahay ni Kuya Vic at Ate Lydia Reyes. Doon din nakatira ang kanilang anak at ating kasalukuyang Punong Baranggay na si Capt. Gerald Sugue at asawa niyang si Nor del Rosario na anak ni Kuya Esko del Rosario.
Balik tayo papunta sa looban. Ang unang bahay ay kina Ate Baby at Rodolfo Custodio. Sumunod kina Lolo Mando at Lola Ester Lopez na katabi ng bilyaran. Sa bandang loob ang dating bahay nina Tatay Dureng at Nanay Tudeng Benavidez at sa harapan ay dating bahay nina Kuya Mario at Ate Ellen Yumang na binuhat at nilipat sa may bandang harapan at sementado na ang ibaba.
Sa tapat nito ang bahay ni Lola Pasing Mangahas at kasalukuyan ay doon kami nakatira. katabi namin ang bahay ni Kuya Memeng"Major" Punzalan katabi ang bahay ni Kaka Maleng Hernandez. Sa tapat nila ang bahay ni Kuya Kokoy Ilog at Ate Ising Liwanag at ngayon at ang anak na si Totoy ang nakatira . Bahay at tindahan ni Ate Melit ang katabi. Papasok ay kina Nanay Nita del Rosario at sa itaas naman ay kina Kuya Redo at Ate Itang Valenzuela. Katapat nila ay kina Lolo Motyong at Lola Inez Pinco pero sina Ate Lony Castillo na ang nakatira. Sa ilalim naman ay sina Kuya Ponching at Ate Erneng Pinco ang nakatira.
Balik uli tayo sa labas. Kina Aling Sepa ang bahay dito at si Liberty ang nakatira. Dati sa tapat nito nakatira sina Ate Baby Camilo pero lumipat na sila . Naging bakanteng lote na ito pero pinagawan ng bahay ni Tessa Parungao na anak ni Ate Julieta Punzalan at apo ni Kaka Emang at Kasio Punzalan. Sa likod nila ang bahay ni Lolo Didoy at Lola Fabeng Lopez at nakatira na doon sina Kuya Teddy at Ate Remy Lopez. Sa tapat nila ang bahay nina Kapitana Pacing at Amado Pilpil. Sumunod ay kina Kuya Bot at Ate Vinyang Jacob. Katabi ay kina Kaka Siyon Jacob at ang nakatira na doon sina Kuya Teng Jacob at pamilya.
Ang dating bakanteng lote na sagingan at laruan ng supo ay pinatayuan na ng apartment. Katabi nila ang bahay nina Kaka Ising at Kuya Nito Reyes. Sa silong nila naman ang nakatira ay sina Ate Nene Unawa. Sa tabi nila ang bahay nina Kuya Roy at Ate Patchy Borja. Katabi din ang bahay nina Kuya Ben at Ate Norma Navasa at kasalukuyan ay sina Kuya Nayong at Ate Lucy dela Cruz ang nakatira. Kasunod nila ang bahay nina Kaka Auring Navasa at ang nakatira na ay si Kuya Rene Navasa. Sa silong nila nakatira si Ate Zeny Navasa. Sa Tapat nila ay nakatira sina Kuya Sidro at Ate Leonor Pinco. May maliit na iskinita na papasok sa bahay nina Kuya Remy at Ate Haneng Yumang pero ang nakatira ngayon ay sina Kaka Tanteng at Ka Miguel Tanag. Katabi ng bahay nila ang tinitirahan ni Ate Tasya na asawa ni Kuya Bayani.
Magkatapat ang bahay ng mag-asawang Kuya Bindoy at Ate Mila del Rosario at Kaka Pitong Ortega at pinapaupahan na lang ito. Wala na ang bahay nina Kaka Imias at Kaka Gundang pero naggawa naman ng bahay sina Kuya Bitoy at Kuya Anjing Toribio . Sa likod nila katira sina Kaka Kikay Ganac. Sa may bandang itaas naman nakatira sina Ate Eddie at Kuya Amor Lopez. Nasunog na ang bahay ni Lola Charing Ilog at Ate Disay at hindi na ito pinatayuan ng bahay. Katabi nila ang Bahay ni Ate Tessie Anwat at Danny Atienza na nagkakayod ng niyog at naggigiling ng galapong. Nasunog din ang Bahay nina Kuya Toto Unas. Pati bahay at panaderia nina Kuya Bhoying.ay kasamang nasunog ng palengke. Pero pinapatayuan ito ng mga stalls at ang lumang palengke ay ginawang parking area ng mga tricycle na may iba't ibang linya o ruta. Nasunog din ang bahay nina Kuya Jaime at Dureng Pelina. Nagpagawa naman sina Kuya Mars at Ate Senia Amazona katabi ng bahay ni Kuya Roger Manalo. Katabi nito ang bahay ng dating kapitan ng Patungan na si Kuya Karyo. Sa tapat naman ay kay Kuya Elvie Suzara.
Sana ay nagbalik sa inyong ala-ala ang ating munting nayon. Sana'y kahit papaano ay nagdulot ito ng ngiti sa inyong labi upang mapawi ang inyong mga pangungulila. Isipin na lang ninyo ang masasayang panahon noong araw.
No comments:
Post a Comment