ito ang badayo noong maliliit pa kami. dito sumasakay papuntang bucana, bancaan at labac. malinis at malapad pa ang ilog noon. sina kaka sario at kaka kiko valencia ang mga bangkero noon. makikita ang mga taong namimili sa bayan at sumasakay sila sa bangka. kung mapapansin ay hindi pa sementado ang kalsada. kuha ito sa harapan ng shell gasoline station nina kuya lito reyes. ang nasa larawan ay si ate dely cayas karga ang anak niyang si robin at si nanay luz buhat-buhat ako, kasama din sina kuya noel,kuya luis, kuya raul at ate chillette. (i-click ang picture para lumaki)
Sunday, July 27, 2008
looban
Saturday, July 26, 2008
mga biga - ten idols ng balsahan (noong araw)
sila ang mga idolo ng balsahan noong araw. sila ang riverside goldies. sila ang pangbato ng balsahan sa larangan ng basketball. katulad ng tropang txrd force, sila ay idolo din ng mga kabataan noong kanilang henerasyon. sila ay ang mga sumusunod: ( nakatayo mula sa kaliwa) kuya bindoy del rosario; kuya romy arturo (anak ni kaka auring at kapatid ni ate zeny at rene navasa); kuya aristoteles ibanez, kuya pondong pinco (kanilang coach); kuya elvie suzara; uncle addy mangahas; kuya fedring jacob; (nakaupo mula sa kaliwa) tatay pileng gutierrez; kuya berto nazareno; kuya cezar reyes at kuya binong arcega. kuha ito sa grand stand ng sakatihan field sa balsahan. ( i-click ang picture para lumaki)
Friday, July 25, 2008
orig na taga-balsahan
ang larawang ito ay kuha ni ate zeny reyes javier na anak ni lola trining reyes at ibinigay ito sa aking lola pacing mangahas. larawan ito ng ating mga lola sa balsahan. kuha ito sa tabi ng bahay ni kaka sepa pilpil. bihirang magkakasama at makuhanan sila ng litrato kaya't isang malaking pagkakataon at hindi na maaaring mangyari pa sapagkat hindi na natin sila kapiling. iginagalang natin sila at kinikilala .
sa mga hindi na inabutan ang nasa larawan , sila ay ang mga sumusunod:
(mula sa bandang kaliwa:)
ate nene unawa; nasa likod ay si lola pacing mangahas; kaka maleng hernandez; lola inez pinco; lola syanang paman; nasa likod niya si kaka kikay ganac; kaka paring toribio; kaka abiang at lola menang pinco macapagal.
(i-click ang picture para mas malaki.)
Saturday, July 19, 2008
tee ex are dee
tee ex are dee ang ipinangalan sa simbolo na ginagamit na official logo ng tropang txrd force. ito ay nakuha sa logo ng isang bola ng volleyball na uwi ni aragaw na galing sa middle east na kapatid naman ni bal na isang miyembro. ito ay ang drawing ng isang magaling na volleyball player ng america na ang pangalan ay steve timmons. flat-top at naka shades ito. ito ang ipinagawang tatak ng uniporme ng volleyball team at naging lucky charm ng tropa. ang ilang impormasyon at komentaryo kay steve timmons ay ang mga sumusunod:
STEVE TIMMONS
Full name: Steven Dennis "Steve" Timmons
Gender: Male
Height: 6'5" (195 cm)
Weight: 205 lbs (93 kg)
Born: November 29, 1958 in Newport Beach, California, United States
Country: United States
Sport: Volleyball
Medals: 2 Gold, 1 Bronze (3 Total)
Biography:
With three Olympic medals, two of them gold, Steve Timmons shares the record for Olympic volleyball medals won by a man. Timmons led the U.S. to Olympic gold medals in both 1984 and 1988, being named most valuable player of the 1984 Olympic team. Between Olympics, he helped the U.S. win the 1986 World Championship and the 1985 World Cup. Timmons left the national team in 1989 to play professional volleyball for Il Messaggero in Rome. Timmons and Karch Kiraly led Il Messaggero to the 1991 World Club Championship. He then returned to the national team to help the U.S. win a bronze medal at the 1992 Olympics. Timmons owns a beach sportswear company, and was briefly married to the former Jeanne Buss, the daughter of the owner of the Los Angeles Lakers. (Source: www.sports-reference.com/olympics/athletes/ti/steve-timmons-1.html .)
Steve Timmons "has achieved substantial notoriety for his distinctive red, flattop hair."
(Source: www.pathguy.com/flattop.htm. )
Inducted as a Player 1998
While the flaming red flat top may have made Steve Timmons the most identifiable indoor volleyball player in the world, his awesome power made him a dominating offensive force. (Source: www.volleyhall.org/timmons.html .)
makikita ang pinahuling larawan ni tee ex are dee at dalawang larawan ni steve timmons sa bandang itaas nabahagi ng blog na ito.

txrd force members
narito ang listahan ng mga members ng txrd force:
lito del rosario
cesar del rosario
norman del rosario
mark del rosario
noel gutierrez (+)
luis gutierrez (+)
delfin gutierrez
edward pinco
tirso pinco
cornelio pinco
vic pinco
idoy pinco
nomer lopez (+)
bong lopez
cesar lopez
gerald lopez
jessie lopez
rico francia
elmer francia
ernani francia
gerald sugue
joel castillo
taguie castillo
ogie punzalan
bal ilog (+)
nick repil
alex repil
eddie boy repil
fernan repil
michael samaniego
cris bautista
eric bautista
toto antiojo
marlon magloncio
rannie valencia (+)
erwin olano
jojo olano
roderick abad
jessie abad
nanding amazona
jessie amazona
jonathan castro
danilo castro
julius dela cruz
jayson dela cruz
rexy borja
allan macalindong
boyeth garcia
jing maborrang
bebet dayson
nino cabugos
clifford cabugos
richie navasa
nonie gonzales (+)
nelson gonzales
neptalie gonzales
ronnel mojica
cherrie valenzuela
jennie castillo
jeje castillo
jasmin castillo
ellen arcega
lilian pinco (+)
lena reyes
nor del rosario
pauline del rosario
russelle del rosario
karen del rosario
carol del rosario
karen bagtas
nina repil
yoyeth gutierrez
mayeth gutierrez
lito del rosario
cesar del rosario
norman del rosario
mark del rosario
noel gutierrez (+)
luis gutierrez (+)
delfin gutierrez
edward pinco
tirso pinco
cornelio pinco
vic pinco
idoy pinco
nomer lopez (+)
bong lopez
cesar lopez
gerald lopez
jessie lopez
rico francia
elmer francia
ernani francia
gerald sugue
joel castillo
taguie castillo
ogie punzalan
bal ilog (+)
nick repil
alex repil
eddie boy repil
fernan repil
michael samaniego
cris bautista
eric bautista
toto antiojo
marlon magloncio
rannie valencia (+)
erwin olano
jojo olano
roderick abad
jessie abad
nanding amazona
jessie amazona
jonathan castro
danilo castro
julius dela cruz
jayson dela cruz
rexy borja
allan macalindong
boyeth garcia
jing maborrang
bebet dayson
nino cabugos
clifford cabugos
richie navasa
nonie gonzales (+)
nelson gonzales
neptalie gonzales
ronnel mojica
cherrie valenzuela
jennie castillo
jeje castillo
jasmin castillo
ellen arcega
lilian pinco (+)
lena reyes
nor del rosario
pauline del rosario
russelle del rosario
karen del rosario
carol del rosario
karen bagtas
nina repil
yoyeth gutierrez
mayeth gutierrez
Thursday, July 17, 2008
original na miyembro
TXRD FORCE,
Alam ko na kilalang kilala nyo na kung sino ako. Isa akong myembro ng TXRD simula pa ng ito`y itinatag. At alam ko kung paano nabuo ang magandang samahan ng grupong ito. Sa hindi nga lamang inaasan at alam ko na itinakda ng panahon na ang ibang myembro ay magkakahiwa-hiwalay. Subalit patuloy pa ring gumagawa ng mga proyekto para sa ikagaganda at ikaaayos ng lahat. At ako`y nalulungkot dahil marami na sa mga myembro ang di ko na muling makakasama. Subalit patuloy pa rin akong naniniwala na sa mga aktibong myembro na patuloy nilang susuportahan ang samahang ito, na ang layunin ay makapagbigay tulong sa lahat at makapagpasaya. At sa pagkakataong ito ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng kasapi kung ako ma`y nawalan ng komunikasyon sa inyo. Subalit hindi pa rin nabubura sa aking isipan ang magandang samahan ng TXRD. Lagi ko pa ring pinanunood ang kauna-unahang pagiging kampion natin sa Volleyball. bagamat hindi ako nakapag laro sa hindi inaasahan. Ang minsahe ko lamang sa mga natitirang aktibo na myembro. Nawa`y ipagpatuloy ang naumpisahang samahan. At umasa kayo na patuloy ako susuporta sa samahang itinatag natin. Naway patuloy tayong gabayan ng Diyos na lumikha sa lahat ng mabuti nating gagawin o mga proyekto para sa ikagaganda ng lahat......................................
Patuloy na susuporta,
LIto del Rosario

Saturday, July 12, 2008
θ ξ ρ δ
From Wikipedia, the free encyclopedia:
Theta (uppercase Θ, lowercase θ or ϑ; Greek: Θήτα) is the eighth letter of the Greek alphabet, derived from the Phoenician letter Teth. In the system of Greek numerals it has a value of 9. Theta has also gained a new significance in the north-eastern region of the United States as a symbol for affection, in a similar capacity to the “heart” symbol. http://en.wikipedia.org/wiki/Theta
Xi (uppercase Ξ, lowercase ξ) is the 14th letter of the Greek alphabet. It is pronounced [ksi] in Modern Greek, and generally pronounced /ˈsaɪ/ (UK) or /ˈzaɪ/ (US) in English. In the system of Greek numerals, it has a value of 60. In the system of Roman numerals, it has a value of 11. The Xi is not to be confused with the letter Chi, which takes the form of the Latin letter X. In ancient times, the Western Greek alphabet used it to represent /kʰ/, while it was used to represent /ks/ in other alphabets. As the alphabet was standardized, Xi was decided to be used for /ks/ and Chi for /kʰ/. While having no Latin derivative, the Xi was adopted into the early Cyrillic alphabet, as the letter ksi (Ѯ, ѯ). http://en.wikipedia.org/wiki/Xi
Rho (uppercase Ρ, lowercase ρ or ϱ) is the 17th letter of the Greek alphabet. In the system of Greek numerals it has a value of 100. It is derived from Semitic Rêš "head" (see Resh). Its uppercase form is not to be confused with the Roman letter P. http://en.wikipedia.org/wiki/Rho_%28letter%29
Delta (uppercase Δ, lowercase δ; Greek: Δέλτα [ðelta] Thelta) is the fourth letter of the Greek alphabet. In the system of Greek numerals it has a value of 4. It was derived from the Phoenician letter Dalet . Letters that arose from Delta include the Latin D and the equivalent in the Cyrillic alphabet: Д. http://en.wikipedia.org/wiki/Delta_%28letter%29

Monday, July 7, 2008
cadence
CHAIN GANG
(Sam Cooke & Charlie Cooke)
.... (well don't you know)
that's the sound of the men working on the chain ga-a-ang
that's the sound of the men working on the chain gang
all day long they're singin'
(Hooh! aah!) (hooh! aah!)
(Hooh! aah) (hooh! aah!)
(well don't you know)
that's the sound of the men working on the chain ga-a-ang
that's the sound of the men working on the chain gang
all day long they're singin'
(Hooh! aah!) (hooh! aah!)
(Hooh! aah!) (hooh! aah!)....
Ito ang ginamit na cheer sa volleyball tournament na pinangunahan ng Naic Magilas Jaycees kung saan naging kauna-unahang champion ang TXRD FORCE.
Galing ito sa pelikulang pinamagatang CADENCE na pinangungunahan ni Charlie Sheen. Kwento ito ng isang puting amerikanong sundalo na pinarusahan dahil nagpa-tattoo sa kamay at ipinadala sa barracks ng mga sundalong puro african-american . Unti-unti ay nakuha niyang irespeto ang kanyang mga kasamahan habang tinututulan nila ang deskriminasyon mula sa isang sarhentong mapang-api ng ibang lahi.
Nagkataong napanood ito ng lahat ng tropa at nagustuhan. Inaawit din ito ng tropa kapag nagkakasama at nagkakatuwaan.
Kung gustong mapanood at madinig ang video, pumunta sa may bandang ibaba ng blog at i-click ang play button . Sana ay maalala ng tropa ang videong ito.
Friday, July 4, 2008
halina't maggala sa balsahan
Sa mga nakakalimot na at hindi pa nakakauwi sa Balsahan, ito ang mga bahay sa ating munting nayon mula sa labasan papasok sa looban. Narito ako para isa-isahin sa inyo at sariwain sa inyong mga ala-ala ang mga pamilyang nakatira dito.May ibang pamilya na rin na nakatira at may mga pagbabago dito pero ang ating babanggitin ang mga orihinal na nakatira dito. Tara na at samahan ninyo ako.
Kung tayo ay galing sa plasa ang unang bahay sa bandang kanan ay kay Ka Pitong Javier. Sa ilalim nito ngayon ay ginawan na ng anak nilang si Boy na commercial stalls. Kasunod naman ay kay Lola Siyanang at mayroon na ring opisina na travel agency. Tinatawag namang white house ang kina Kaka Asias Ibanez dahil mataas ito at kongkreto at may pintang puti. Unang mabubungaran ang bahay nina Kaka Edios at Kaka Julian na nanghihilot ng mga bali. Papasok sa may bandang loob kina Kaka Toyang Unawa at doon naka pwesto ang electronic shop ng anak niyang si Egay at katabi nito ang pinagawang apartment ni Nanding Unawa na anak ni Ate Nene. Paglabas uli ay kina Ate Eva Pascual. Kina Kaka Enteng at Kaka Aneng Arcega ang katabi sumunod kina Lolo Nardo at Lolo Pando Gutierrez. Sumunod naman ay kina Kaka Trining Asejo katabi ng Balsahan Elementary School.
Lumipat naman tayo sa kabilang tabi. Kina Ate Virgie Ganac ang nasa harapan at papasok tayo sa callejon . Sa kanan ay kina Kuya Mario at Ate Ellen Yumang , sumunod naman kina Kuya Eboy Pelina. Sa tapat ang kina Uncle Addie Mangahas sumunod din kina Kaka Pacing Kano Garcia. Sumunod din ang aming dating bahay nina Nanay Luz at Tatay Pileng Gutierrez at kina Lola Goya Repil naman ang sumunod.
Lumabas uli tayo at ang susunod na bahay ay kina Kaka Danding at Pacita Jocson na may malaking tindahan na pinamamahalaan ni Ninang Naty Pisig, mayroon dati ditong dental clinic si Ninong Ome. Lumaktaw tayo papuntang badayo, kina Kaka Tacio Arrieta ang sumunod at katabi ang bagong gawang bahay nina Kuya Berto Nazareno. Katabi ang Shell gasoline station ng mga Reyes at tindahan nina Kuya Lito Reyes. Sa itaas nito ay kina Lola Trining Reyes . Sa tapat ng gasolinahan dati nakatira sina Kuya Rene at Ate Gloria Reyes pero pinagawa na ito ng anak nilang si Angie .Katabi dito ang bahay ni Kuya Lito. Sa pagitan nito ay may eskinita papasok kina Ate Lourdes Antiojo at Ka Felimon na nagtatawas ng mga nababati. Katabi nila ay kina Kuya Erneng Sandejo.
Punta na tayo sa badayo, naandoon ang bodega ng yelo kung saan nakakabili ng guhit -guhit na yelo pang halo-halo. Sa bandang loob pa ay kina Magno at Precy Arguelles katabi ang bahay ni Kuya Vic at Ate Lydia Reyes. Doon din nakatira ang kanilang anak at ating kasalukuyang Punong Baranggay na si Capt. Gerald Sugue at asawa niyang si Nor del Rosario na anak ni Kuya Esko del Rosario.
Balik tayo papunta sa looban. Ang unang bahay ay kina Ate Baby at Rodolfo Custodio. Sumunod kina Lolo Mando at Lola Ester Lopez na katabi ng bilyaran. Sa bandang loob ang dating bahay nina Tatay Dureng at Nanay Tudeng Benavidez at sa harapan ay dating bahay nina Kuya Mario at Ate Ellen Yumang na binuhat at nilipat sa may bandang harapan at sementado na ang ibaba.
Sa tapat nito ang bahay ni Lola Pasing Mangahas at kasalukuyan ay doon kami nakatira. katabi namin ang bahay ni Kuya Memeng"Major" Punzalan katabi ang bahay ni Kaka Maleng Hernandez. Sa tapat nila ang bahay ni Kuya Kokoy Ilog at Ate Ising Liwanag at ngayon at ang anak na si Totoy ang nakatira . Bahay at tindahan ni Ate Melit ang katabi. Papasok ay kina Nanay Nita del Rosario at sa itaas naman ay kina Kuya Redo at Ate Itang Valenzuela. Katapat nila ay kina Lolo Motyong at Lola Inez Pinco pero sina Ate Lony Castillo na ang nakatira. Sa ilalim naman ay sina Kuya Ponching at Ate Erneng Pinco ang nakatira.
Balik uli tayo sa labas. Kina Aling Sepa ang bahay dito at si Liberty ang nakatira. Dati sa tapat nito nakatira sina Ate Baby Camilo pero lumipat na sila . Naging bakanteng lote na ito pero pinagawan ng bahay ni Tessa Parungao na anak ni Ate Julieta Punzalan at apo ni Kaka Emang at Kasio Punzalan. Sa likod nila ang bahay ni Lolo Didoy at Lola Fabeng Lopez at nakatira na doon sina Kuya Teddy at Ate Remy Lopez. Sa tapat nila ang bahay nina Kapitana Pacing at Amado Pilpil. Sumunod ay kina Kuya Bot at Ate Vinyang Jacob. Katabi ay kina Kaka Siyon Jacob at ang nakatira na doon sina Kuya Teng Jacob at pamilya.
Ang dating bakanteng lote na sagingan at laruan ng supo ay pinatayuan na ng apartment. Katabi nila ang bahay nina Kaka Ising at Kuya Nito Reyes. Sa silong nila naman ang nakatira ay sina Ate Nene Unawa. Sa tabi nila ang bahay nina Kuya Roy at Ate Patchy Borja. Katabi din ang bahay nina Kuya Ben at Ate Norma Navasa at kasalukuyan ay sina Kuya Nayong at Ate Lucy dela Cruz ang nakatira. Kasunod nila ang bahay nina Kaka Auring Navasa at ang nakatira na ay si Kuya Rene Navasa. Sa silong nila nakatira si Ate Zeny Navasa. Sa Tapat nila ay nakatira sina Kuya Sidro at Ate Leonor Pinco. May maliit na iskinita na papasok sa bahay nina Kuya Remy at Ate Haneng Yumang pero ang nakatira ngayon ay sina Kaka Tanteng at Ka Miguel Tanag. Katabi ng bahay nila ang tinitirahan ni Ate Tasya na asawa ni Kuya Bayani.
Magkatapat ang bahay ng mag-asawang Kuya Bindoy at Ate Mila del Rosario at Kaka Pitong Ortega at pinapaupahan na lang ito. Wala na ang bahay nina Kaka Imias at Kaka Gundang pero naggawa naman ng bahay sina Kuya Bitoy at Kuya Anjing Toribio . Sa likod nila katira sina Kaka Kikay Ganac. Sa may bandang itaas naman nakatira sina Ate Eddie at Kuya Amor Lopez. Nasunog na ang bahay ni Lola Charing Ilog at Ate Disay at hindi na ito pinatayuan ng bahay. Katabi nila ang Bahay ni Ate Tessie Anwat at Danny Atienza na nagkakayod ng niyog at naggigiling ng galapong. Nasunog din ang Bahay nina Kuya Toto Unas. Pati bahay at panaderia nina Kuya Bhoying.ay kasamang nasunog ng palengke. Pero pinapatayuan ito ng mga stalls at ang lumang palengke ay ginawang parking area ng mga tricycle na may iba't ibang linya o ruta. Nasunog din ang bahay nina Kuya Jaime at Dureng Pelina. Nagpagawa naman sina Kuya Mars at Ate Senia Amazona katabi ng bahay ni Kuya Roger Manalo. Katabi nito ang bahay ng dating kapitan ng Patungan na si Kuya Karyo. Sa tapat naman ay kay Kuya Elvie Suzara.
Sana ay nagbalik sa inyong ala-ala ang ating munting nayon. Sana'y kahit papaano ay nagdulot ito ng ngiti sa inyong labi upang mapawi ang inyong mga pangungulila. Isipin na lang ninyo ang masasayang panahon noong araw.

Thursday, July 3, 2008
ang badayo
Ang Badayo ay malapit sa Balsahan River. Dito ibinabara ang mga bangka maliit man o malaki. Tuwing madaling araw ay bumababa ang mga regatona upang bumulong kay Lola Trining o kay Kuya Lito o kaya ay kay Kuya Vic kaya tinawag itong bulungan. Kung sino ang may bulong na pinakamataas na presyo sa mga isdang nakaparada ang siyang mananalo. Magagaling at bihasa ang mga regatona sa pag presyo ng mga isda.
Malaki ang importansya ng badayo sa buhay ng tropa at sa mga taga Balsahan noong araw. Kailangan mo lang gumising ng maaga para antayin ang paghahango ng isda. Para magkapera, tutulong ang tropa sa pagbubuhat ng banyerang puno ng isda at yelo. May nagbubuhat ng banyerang puno ng yelo para ikarga sa ice box ng mga malalaking bangka. Pagkatapos niyon ay aabutan na ng "piloto" o manedyer ng bangka ang tropa ng mga pinagpiliang isda minsan malambot na dahil nailaliman ito pero sariwa pa. Minsan naman ay magandang isda din. Pag maliwanag na , kung hindi man uulamin ay dadalhin sa palengke maka-akyat lang sa paso. May bibili sa murang halaga kaya't may pera na.
Kapag may bagyo at malakas ang ulan, at walang lumaot na bangka, hindi pa rin tumitigil sa pagdiskarte ang tropa. Ang gagawin nila ay kukunin ang mahabang salok ni Kuya Senyong, Kuya Pepe at Pinocchio. Pupunta na sila sa badayo upang mang huli ng talangka o kung tawagin ay katang . Sumasama sa agos ng tubig ang katang galing sa bandang itaas ng Naic. May magdadala ng hiniram na ilaw para mahuli sila. Kapag naipon na ang mga nahuling katang, lilinisin ito at lulutuin. Manghihingi na ng bahaw kay Nanay Nita, Ate Melit at sa amin. Magkakainan na sa kanto dahil doon lang may ilaw at may upuan. Kapag naubos na at nabusog na, hindi pa sila uuwi dahil magpapalipas pa ng busog bago matulog. Magkukwentuhan pa.

txrd force( ayon sa aking ala-ala)
(Kwento ito ni Defs na isang miyembro ng grupo.) Hindi ko malilimutan ang mga panahon noong aking kabataan na sa isang maliit na baranggay sa bayan ng Naic, Cavite nabuo ang TXRD FORCE. Mga kabataan na nagkakatuwaan at laging masaya kapag nagkikita. Nagpi-picnic sa harapan ng bahay ni Kaka Intang na may paarkilahan ng komiks at may lamesa ng madyungan. Nagdadala ng bahaw at ulam na kinete sa badayo at salu-salo tawag ang ilang tropa. May ginawa kami ni Pareng Elmer na maliit na tambayan sa ilalim ng puno ng balimbing na kapag umuulan ay tumutulo. Naghahalinhinan sa paglalaro ng Gameboy na dala ni Komang galing Germany. Halos magkakapalitan na nga ng mukha sa panood sa maliit na screen ng nasabing laruan. Basta kailangan mo ang tropa ay naandoon lang sila sa may tambayan.
Nagkaroon ng liga ng volleyball sa bayan na pinangunahan ng Naic Magilas Jaycees. Lahat ng baranggay ay nagpasok ng entry at ang naging champion ay ang team na TXRD FORCE. Ang mga player ay sina Nomer at Bong Lopez, Lito del Rosario, Noel at Delfin Gutierrez, Edward at Idoy Pinco, Ogie Punzalan, Alex Repil, Toto(Paos) Antiojo, Taguie Castillo at Danilo (Jet-jet) Castro at ang aming Coach ay si Domeng na mag-iisda. Kaunaunahang champion ng volleyball sa bayan ng Naic ang TXRD FORCE.
Kapag malapit na ang pyesta at kapaskuhan ay tumutulong sa paglilinis ng mga kanal at paglalagay ng banderitas at dekorasyon sa kalsada. Gabi-gabi ay nagpupuyat ang tropa sa paggagawa ng parol at christmas tree na inilagay sa bubong ng Baranggay Hall sa tabi ng tambakan.
Minsan naman ay nagkakaumpukan sa may looban sa upuang bato sa kanto at inilabas na din ang mahabang bangko at isinandal sa bakod nina Aling Sepa para maging sandalan. Lalabas si Jonathan dala ang gitara ng tatay niyang Mang Danny at tutugtog sila nina Cesar at kasabay din sa pagkanta ang tropa. Magkakantyawan at hindi naman nagkakapikunan. Kapag nagkakalaglagan na sa kantyawan ay may motto ang tropa na "mamatay na sa tanggi". Kaya kahit magkapi-pitan ng bayag ay hindi aamin at ipagkakanulo ang isa't-isa, "hulihin mo ng mapatunayan mo".
Hindi naging maganda ang samahan ng kabataan at nakatatanda sa aming baranggay. Ang kapitan noon ay si Kuya Noel at ang kanyang mga konsehal ay matatanda at halos kakontra niya, pero dahil sa suporta ng kabataan sa liderato ni kapitan Noel ay nagagawa niya ang mga proyekto niya.
Nagkakatuwaan din ang mga tropa pagkatapos magawa ang kanilang gawain. Isang beses ay naglaro ng barilan ang tropa at nagtatagbuhan sa looban na may dalang baril.Pumasok pa nga sa looban si Jojie na asawa ni Nina na maysukbit na baril at riple ng CCA. Tawanan ang taga looban. Katakot-takot na puna at batikos ang naririnig mula sa mga matatanda ngunit hindi naman iyon pinapansin dahil ang mahalaga ay hindi naman namin sila pinakikialaman . Nagkakatuwaan lang. Minsan ay naalala ko na gabi at naglaro ng taguan sa may Balsahan Elementary School. May nagtatago sa loob ng room na bagong gawa at may nagtatago sa may ilat sa may garden , nagkakandahulog sa ilog nakakapit lang sa ugat ng puno at mga halaman. May kasama pa kaming malabasin at nagtataasan ang aming mga balahibo, hindi ko na sasabihin kung sino iyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)