Sunday, January 25, 2009

unang kaarawan ng txrd force

nagdiwang ng unang kaarawan ang txrd force noong abril 30, 1993. sa simpleng salu-salo ay naidaos ang kainan ng tropa sa tambayan ng txrd. nagluto ng lumpiang shanghai na ang sahog ay hinimay na dalagang bukid na nakete sa badayo, nagluto ng pospas na may itlog galing sa bawat miyembro, at may pansit patalbog na kulang sa sahog na gulay subalit masarap naman. ganito kasimple ang handa subalit ang kasiyahan at pakiki-isa ng bawat miyembro ay makikita. ang mga kababaihan ang nagluto at ang iba naman ang naghanda ng hapag kainan. dito makikita ang kasiyahan ng mga kasapi.

No comments: