Thursday, August 7, 2008
hagdanan
ang hagdanang bato papunta sa lumang palengke o "paso" kung tawagin ay hindi malilimutan ng mga taga balsahan. kapag gusto mong bumili ng mga sariwang gulay,prutas, karne at isda ay aakyat ka lang sa paso at makakapunta ka na sa palengke. sadyang maswerte ang balsahan noong araw dahil malapit ito sa lahat, sa palengke, simbahan, eskwelahan at paradahan ng tricycle. akay-akay ako ng aking nanay kapag isinasama akong mamalengke noong ako ay bata pa. halos ang lahat ng kabataan sa balsahan ay lumakas ang tuhod sa pag-akyat-baba sa hagdang bato.para talagang sukat at tama ang lapad ng baytang dahil hindi ka matatalisod sa paghakbang dito.
medyo sira -sira na ang nga baytang kaya ipinaayos ito ng ating kabaranggay na si kuya toto unas na noon ay bokal o board member ng probinsya ng cavite. si kapitan nayong dela cruz ang kapitan noon. ang namahala nito na aking natatandaan ay si kuya bot jacob. natatandaan ko pa noon na may nagsabi sa akin na malaki ang kinita ni kuya bot pero hindi niya ito ginawa.kung tutuusin ay pwede niyang gawin ngunit ayaw niyang masira kay kuya toto. lahat ng resibo ay ibinigay niya sa kanya. ayaw niyang masira ang pagtitiwala ng ibang tao sa kanya. ang sabi niya sa akin ay hindi ko sisirain ang aking pangalan na siyang aking maipagmamalaki sa aking mga anak. ito ang pinayo niya sa akin at tumanim sa aking isipan noong ako ay empleyado ng munisipyo ng naic.
ang mga harang na bakal at kanal naman at poste ng ilaw ay ipinaayos nina kapitana naty pisig at kapitan gerald sugue nang kanilang termino bilang kapitan del barrio. (i-click ang picture para lumaki.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hanep wala akong masabi nag effort ka talaga jan sa mga pinadala naming pictures. And its all reminds me the past. Hope to see more marami pa yan. yung outing ng TX daba! Ingat you jan.!!! Mwahhh........
hanep wala akong masabi nag effort ka talaga jan sa mga pinadala naming pictures. And its all reminds me the past. Hope to see more marami pa yan. yung outing ng TX daba! Ingat you jan.!!! Mwahhh........
maraming salamat sa inyo. hindi ko magagawa ito kung hindi dahil sa tulong at suporta ninyo. bahagi kayo ng blog na ito dahil para sa atin ito na miyembro ng txrd force at sa balsahan.
Post a Comment