Saturday, August 9, 2008

tambayan

makikita sa picture sina bal ilog, eric bautista, edward pinco, gerald lopez, nomer lopez, taguie castillo, elmer francia, cesar lopez, vic pinco, lito del rosario at kuya pepe castillo. dito inaayos ang andas ni san isidro at makikita sa bandang kaliwa ang pinapasang kawayan. kuha ito sa harapan ng bahay ni kaka intang angeles.

ang tambayan ng tropa ay sa harapan ng bahay nina kaka intang at ate lydia sa tabi ng bahay namin sa looban. dito kami nag-uumpukan at nagkukwentuhan. nakikinig kami dito ng music mula sa aming stereo. nabubuo dito ang mga plano na ikagaganda ng baranggay at sinasangguni ang tropa kung ano ang maganda at mabuti. dito rin ibinabahagi ang mga gawain ng bawat isa.

No comments: