Friday, December 26, 2008

esperma at agua florida





kapag ang isang bata ay nilalagnat tuwing hapon, malamang ay nabati siya. halos walang bata sa balsahan ang hindi natawas ni ka filemon. kailangan lang ay kandilang esperma at agua florida. dadasalan ni ka filemon ang kandila at hahatiin sa apat na bahagi. kukunin ang tatlong bahagi at sisindihan ang ikaapat. itatapat ang kutsara sa apoy at sisimulan na ang pagtatawas. ang tatlong bahagi ng kandila ay iku-kurus sa bandang ulo, dibdib at sa may bandang ibaba ng katawan, bubulungan at ilalagay na sa mainit na kutsara isa-isa. kapag lusaw na ay pa-kurus na isasaboy sa ibabaw ng puting losang planggana na may lamang tubig. may mga imaheng mabubuo na si ka filemon lang ang nakakabasa. sasabihin niya kung ano o sino ang nakabati . kalimitan ay lamang lupa o mga engkanto na naninirahan sa poso o sa mga malalaking puno ang makikita. minsan naman ay ilalarawan niya ang itsura ng tao at kikilalanin upang mapalawayan ang may sakit para mawala. lalagyan niya ng agua florida ang mga palad niya at hihilutin ang ulo ng may sakit at bubulungan at bubugahan. kailangan ding mag-luop ng ansenso at kamangyan. ang hiling niya ay magtirik ng kandila sa ina ng laging saklolo sa simbahan. sadyang gumagaling ang mga tinatawas niya kaya't siya ay dinadayo.

Tuesday, December 2, 2008

ala-ala ng kamusmusan

"Naic na ho!" Sigaw ng konduktor ng Saulog. Nagising ako at pupungas-pungas habang pinapahid ang laway na tumutulo sa mangas ng babaing kasama ko, medyo sinilip ko pa ang basang sahig ng Saulog dahil sa aking kinain,"yuk! "Mahirap ng mayapakan, baka madulas. Nakakahilo kasi sa Saulog, bukod sa matulin ang takbo, di pa nagmemenor sa lubak at amoy ng gasolina. Lubak-lubak pa naman ang daan sa Naic, halos umabot ang ulo ko sa bubong kapag nalubak at masakit ang puwet pagbagsak sa upuan, wala naman kasing kutson, kahoy lang.

Pumarada ang Saulog malapit sa simbahan ng Naic sa harap ng basketball court malapit sa paupahan ng bisikleta ni Tuin na dikit ang bahay sa pader ng Mababang Paaralan ng Naic, hmm, maraming puno ng akasya doon.

Nagdudumaling tumayo ang babaing kasama ko at binitbit ang mga pinamili sa Divisoria , "Hoy Gil tulungan mo ako dito", atas ng babae." Opo", sabay bitbit ko ng basyong kahon na kulay puti na paglalagyan ng saya para sa darating na prusisyon. Naic na, ani ko sa isip ko, habang humahakbang pababa sa matarik na baytang ng Saulog.

Pagbaba ko, ipinatong ko sa ulo ko ang basyong kahon na kulay puti na malaki pa yata sa akin. Habang naglalakad pauwi ng Balsahan, natanaw ko ang kiosko (plano pa lang noon na gawin ang plaza), kulay pink ang pintura, kupas na at marami ng butas at basag ang mga poste at gilid, huwag mo ng isama ang amoy. Nagkalat ang mga paninda at mga pinagkainan ng pakwan, dumi ng tao at hayop sa mga gilid. Kasama na kong kumakain doon, libre lang, nangnenenok kami ng pakwan. Lalakad lang kami ng kalaro ko na pareho kong nanlilimahid sa gilid ng palengke o sa mga nagtitinda, kapag nalingat ang tindera sisipain ang pakwan na nakakalat sa karsada, tatakbo kami at pupulutin ang pakwan. Muli, tatakbo kami sa kiosko at ibabagsak ang pakwan para mabiyak upang makain, mainit-init pa. Masama iyon, pero ano ba ang alam ng isang bata na ang alam ay maglaro, kumain at matulog. Pinatawad na ako ng Diyos. Sabi nga sa Bibliya, “Walang sinuman ang matuwid, lahat ay nagkasala”. Subalit ang lahat ay may kapatawaran sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa Panginoong Hesus.

Malapit na kami sa kiosko ng may makasalubong na matabang babae ang babaeng kasama ko. "Hoy Salud ano ba balita?" At nagsimula na ang walang katapusang kuwentuhan. Hinihila ko sa damit ang babaeng kasama ko, paramdam sa kanya na umuwi na tayo, pero tumingin lang sa akin ng matalim. Naubos na ang kalahating oras bago nagpaalaman ang dalawa. Naglakad na ulit kami, paglapas ng kiosko bago pumasok sa palengke, may nakasalubong na naman na babaeng payat. Kung ano ang haba ng paghihintay ko sa nauna, ganoon din sa pangalawa. Hay hirap, masakit na ang ulo ko sa kahong nakapatong sa ulo ko, masakit pa betlog ko. Binagtas namin ang loob ng palengke patungo sa hagdang bato ng Balsahan na kung tawagin ay “paso”, siyempre, may mga nangungumusta sa mga nakakasalubong ng babaeng kasama ko. Para namang langgam ito, sa isip-isip ko. Ang langam kasi kapag may nakakasalubong na kapwa langgam, parang naguusap na tila ba nagkukumustahan. Pagbaba ng paso, napadaan naman kami sa upuang kawayan (di pa sementado ang daan) sa harap ng bahay ni Ate Nene. Dito na natapos ang lahat, umupo na ang kasama kong babae at dinakdakan na ng kuwento. Aniya, "Gil iuwi mo itong pinamili". "Opo", nakailang balik ako para iuwi ang mga pinamili. Matinis na tinig at tawanan ang naririnig ko habang patuloy sila sa pagkukuwetuhan habang bumabangka ang babaeng kasama ko. Sa mata ng isang musmos, wala problema sa buhay at palaging masaya sa lugar na aking sinilangan… ang Balsahan.

Sa huling balik ko tinawag ko ang kasama kong babae at inaya kong kumain. Mauna na kayo at susunod na ako, sagot niya. Matapos ang isang oras saka pa lang sumunod at umupo sa hapag kainan upang kumain ng hapunan at pagkakain ay nahiga at umidlip. Pasado alas-dose ng gabi, naalimpungatan ako sa tunog ng makina at sinilip ko ang babaeng kasama kong lumawas ng Divisoria. Andoon siya sa makina at nanahi, suot ang salamin, nakayuko at kurkubada ang likod. Muli akong bumalik sa pagtulog, paggising ko sa umaga, andoon pa rin siya at nanahi sa ganoon pa ring posisyon. "Di na ho ba kayo natulog?" Tanong ko. "Hindi na at kaylangan kasi ito ni Salud ngayon", sagot nya. Di na ako kumibo at naligo na ako para sa maghanda sa pagpasok sa Mababang Paaralan ng Naic. Umuwi ako ng tanghali at nadatnan ko na nanahi pa rin siya, sipag naman ng babaeng ito, sa isip-isip ko. "Kumain na ho ba kayo? "Tanong ko. "Hindi pa, tatapusin ko na ito bago ako kumain". Maya-maya ay pumuwesto na sa hapag kainan ang babaeng kasama kong lumuwas ng Divisoria at kumain ng pananghalian. Pagkakain ay nahiga sa sala set at pumikit ang mata, dahil siguro sa pagod at puyat. Muli naghanda ako sa pagpasok sa eskuwela, hindi na ko nakapagpaaalam sa kanya dahil humihilik na siya.

Paguwi ng hapon galing sa eskuwela, nadatnan ko naman na nagdidilig siya ng halaman. Sa isip ko, wala yatang kapaguran ang babaeng ito… ang babaeng ito na kung tawagin ko ay NANAY.

Epilogue:

Sa mura kong isipan pinilit kong intindihin ang mga bagay na ginagawa ng nanay ko. Bakit di kami nagkakausap na madalas? Bakit di niya ako kinukuwentuhan? Bakit lagi siyang nanahi at kung di nanahi ay nasa Munisipyo ng Naic? Bakit di niya ako niyayakap? Bakit wala kaming baon ni Jesse sa eskuwela? Bakit butas ang short namin ni Jesse at hindi matahi gayong mananahi siya? Bakit kaylangang isuot namin ulit ang nahubad ko ng damit para lang may maisuot? Bakit lagi siyang nagpupunta sa Munsipyo? Bakit kaylangang ilabas niya sa kulungan si Pileng na kapatid ni Totoy at Puti? Bakit kaylangan naming manahi ng bulaklak para may pambaon ako? Bakit masakit ang betlog ko? Bakit lagi na lang akong pinagsasaing? Bakit di ko naririnig sa kanya ang salitang “Anak mahal kita”? Mahal ba ako ng nanay ko? Sa mura kong isipan, marami akong tanong na di ko masagot at kung masagot man ng panahon na iyon, siguro ay di ko pa rin lubusang mauunawaan…musmos pa nga ako.

Sa paglipas ng panahon ay unti-unti kong nakita ang pagkahukot ng likod ni Nanay, pagkulubot ng mukha, pagbagal ng lakad, pagputi ng buhok at paggaralgal ng boses. Wala na ang dating tinis ng boses niya sa pagkukuwentuhan sa kanyang mga kaibigan, parang pagod na siya…tumatanda na si Nanay.

Tumatanda na nga si Nanay at kaming magkakapatid ay nagsilaki naman. Unti-unti sa aking paglaki, nakita ko ang mga bagay na kanyang ginagawa na naging pundasyon ng pananaw ko sa buhay at ng aking pagkatao, siguro pati na ng mga kapatid ko. Minsan lang siyang magsalita sa amin, mga pahayag ng kaalaman at karunungan na hanggang ngayon ay aming pinakikinabangan. Ipinakita niya sa amin ang kanyang kasipagan, minsan niyang binanggit sa akin, “Tamad lang ang nagugutom”. Sa mga ginagawa niya, nakita ko ang kahalagahan ng pagtitiyaga, muli naalala ko ang sinabi niya, “Kapag dumating ang opurtunidad, hawakan at alagaan mo, pagtiyagaan mo dahil iyan ang simula ng iyong paglago”. Natutunan ko kung ano ang kahulugan ng respeto sa sarili, wika niya sa akin, “Huwag kang kakain at magsusuot ng damit na hindi mo pinaghirapan at pinagpawisan, kung ibinibigay sa iyo, kuhanin mo at magpasalamat, pero huwag na huwag mong kukuhanin o aariin ang hindi sa iyo”. Sa kanyang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, nakita ko ang kumpiyansa niya sa sarili niya na kung minsan ay nabibigyan ng ibang kahulugan ng ibang tao na mayabang. Natutunan ko ito at nagamit sa pakikipagusap at argumento sa ibat-ibang klase ng tao. Sa paggawa ko ng gawaing bahay, natutunan ko na paghahanda ito sa hinaharap upang matutunan kong tumayo sa sarili kong paa. Higit sa lahat, nakita ko kung paano niya tulungan ang sarili niya at kapwa niya, isang bagay ang tinandaan ko na sinabi niya, “Kung gusto mong makatulong sa kapwa, tulungan mo muna ang sarili mo dahil kahit kaylan hindi kayang tumulong ng isang mahina, magpalakas ka muna”.

Minsan-minsan ko lang siyang nakitang umiyak, matapang siya hindi sa pakikipag-away sa kapwa, kundi kung paano siya humarap sa mga suliranin at kung paano niya ipahayag ang kanyang mga opinyon,. Malakas siya hindi dahil sa kanyang pangangatawan, kundi kung paano siya bumangon kapag nadapa at bumangon muli kapag muling nadapa, hindi basta-basta sumusuko si Nanay. Ito ang mga bagay na natutunan ko sa aking Nanay na nagpatibay ng aking pagkatao at kung paano humarap sa mga hamon ng buhay, siguro ganoon din sa aking mga kapatid. Ito ang mga bagay na nagpapatunay na “Mahal ako ng Nanay ko”. Ito ang Nanay ko sa mata ng isang anak, ang Nanay ko na kung tawagin sa Balsahan ay Kapitana, Ate Pacing, Pacing at Mama Anying. Ikaw, may alaala ka ba ng Nanay ko?

The End

Sunday, November 30, 2008

ilog balsahan

ito ang ilog ng balsahan. dito nanghuhuli ng isda ang tropa para may ulam . sa pamamagitan ng pante (maliit na lambat), makakahuli ng isdang asube, banak at kitang. dito din naliligo ang tropa kapag nagkakayakagan. (picture courtesy of boyet lopez.)

Wednesday, November 26, 2008

balsahan street

makikita dito ang bahay nina kuya lito reyes at katabi ang bahay nina kaka sion sugue.

Sunday, November 23, 2008

kuya berto's house

ito ang dating itsura ng bahay nina secgen. roberto nazareno. pero ito ngayon ay pinaremodel na nila. mas maganda na ito ngayon.

Saturday, November 15, 2008

looban '96

ito naman ang kalsada papunta sa looban. makikita sa kanang bahagi nitoa ang bahay nina ate baby at rodolfo custodio kasunod ang bahay nina lolo mando at lola ester lopez. katabi nito ang bilyaran at kasunod naman ang bahay nina lola pacing mangahas kung saan kami ngayon nakatira. katabi ng bahay namin ang bahay nina kuya memeng"major" punzalan katabi ang bahay nina kaka maleng hernandez.


Monday, November 10, 2008

pababa ng paso

kung manggaling ka sa palengke, ito ang iyong makikita kung pababa ka ng paso papuntang looban. madadaanan mo ang mga bahay nina ate disay culasino, ate eddie lopez, kaka imias toribio, kaka pitong ortega at ate mila del rosario. sumunod ang bahay nina kuya sidro pinco at lolo motyong pinco. nasa likod nila ang bahay nina kaka sepa pilpil. nasa bandang kaliwa ang bahay nina kaka auring navasa katapat ang bahay nina kuya nito reyes. nasa silong nila sina ate nene at kuya imias unawa.

Thursday, November 6, 2008

kalye balsahan


makikita sa bandang kaliwa ang bahay at tindahan nina kaka danding jocson at sa kanan naman ay may mga maliliit na tindahan. katabi nito ang ngayon ay baranggay hall. (hindi makikita ang balsahan elementary school sa bandang kanan.)

Saturday, November 1, 2008

balsahan st.

kung manggaling ka sa plaza at bababa ka sa balsahan, ang unang bahay na mada-daanan sa kanan ay ang bahay nina kaka benita javier (ang nakatira na ay ang anak niyang si boy javier at pamilya). kasunod nito ang bahay nina lola syanang paman (ang nakatira na ay ang apo niyang si olive macalalad). sumunod naman ang bahay ni kaka asias ibanez. kina kaka julian at kuya enteng arcega ang kasunod at sa dulo ay ang bahay nina lolo nardo gutierrez. mapapansin ang mga dekorasyon sa kalsada na parang malalaking kandila at banderitas dahil malapit na ang piyesta ng bayan at araw ng kapaskuhan.

Wednesday, October 29, 2008

ang paso noon








ang naunang dalawang larawan ay ang paso noong 1996. bitak-bitak na ang mga baytang nito. makikita sa larawang ito na pinipintahan ng tropa dahil malapit na ang pyesta ng bayan. pinaayos na ito sa pamamagitan ng pondo ni cavite board member toto unas na ipinagmamalaki natin dahil isa siyang taga-balsahan . makikita din ang larawan ng naayos na hagdan natin na nauna nang nailathala sa blog na ito.

Friday, October 24, 2008

ang mga kamag-anak ko

kuha ito sa may dati naming bahay sa balsahan. sila ang mga kamag-anak ko. sila ay sina (mula sa kaliwa) lola puring dirain-gutierrez(ang nakagisnan kong lola at inang panguman ng aking tatay), lola pacing lopez-mangahas (ang lola ko sa aking nanay), ninang naty cayas-pisig (ang pinsan ng biyenan kong babae at ninang namin sa kasal), nanay luz mangahas-gutierrez (ang aking nanay )at lola goya gutierrez-repil ( ang tiyahin ng aking tatay) .(i-click ang picture para lumaki)

Friday, October 17, 2008

lolo elyong mangahas

siya ang aking lolo elyong sa panig ng aking nanay . cornelio mangahas sr. ang kanyang pangalan. ang maybahay niya ay si lola pasencia"pacing" lopez. siya ay naging provincial treasurer ng cavite noong bago pa magkagiyera. ang naging anak nila ng aking lola pacing ay sina adoracion(during), eligia(ellie), dr. cornelio jr.(junior), conrado(addie), at luz (ang aking nanay).


Tuesday, October 14, 2008

si lolo nardo at si lolo pando

ang nasa larawan ay ang aking mga lolo sa panig ng aking tatay. ang nasa kaliwa ay si lolo leonardo "nardo"(asawa ni lola loreto"luring" ilog at anak nila ang aking tatay pileng) at ang bunso nilang si lolo armando "pando" gutierrez (asawa niya si lola angelina"heleng" zapeda). sila ay anak ni lolo tranquilino"inong" gutierrez at lola fausta"posta" panerio. ang ilan sa kanilang kapatid ay sina lolo artemio"temyong"(asawa si lola arcadia"adiang" ilog), lolo delfin (asawa si lola amfaro"paring" abad), lola gloria"goya" gutierrez-repil (asawa si lolo felipe"ipe" repil), lola bienvenida"beneng" at lola nenita"nitang" gutierrez. kuha ang larawang ito sa harapan ng bahay ni lolo pando. (i-click ang picture para lumaki).

Monday, October 13, 2008

iba pang babae ng txrd force

sila ang ilan sa mga txrd girls. sila ay sina karen del rosario, pauline del rosario, cherrie valenzuela at carol del rosario. ang nasa likod ay si gladys poblete. kuha ito ng kurakol sa balsahan

Wednesday, October 8, 2008

orig na tropang balsahan

kuha ito noong piyesta ng balsahan (san isidro labrador may 15) sa harapan ng shell station nina lola trining reyes. ang nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) kuya cesar reyes, tatay pileng gutierrez, kuya bindoy del rosario, kuya ben navasa at kuya mars amasona.(medyo malabo na ang picture.)

Sunday, October 5, 2008

tropang balsahan

ito ang ilan sa tropang balsahan noong araw. kinuhanan ito sa may entrance ng naic elementary school kung manggagaling sa sakatihan field (grand stand). makikita ang pasukan at nasa background ang classroom na nakatayo pa rin hanggang ngayon. malapad na ang pasukang ito ngayon malapit sa school canteen. ang mga nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) kuya ben navasa, freddie magpoc ( anak ni kaka conching na kapatid ni kaka tacio arrieta) kuya bindoy del rosario, uncle addy mangahas, kuya allan ibanez at kuya erning zapeda (kapatid na bunso ni lola heleng na asawa ni lolo pando gutierrez). (i-click ang picture para lumaki).

Friday, October 3, 2008

gate ng grand stand

ito ang picture ng gate ng sakatihan field o grand stand. makikita dito sa background ang bleachers kung saan nakaupo ang mga manunuod. dito ngayon nakatayo ang balsahan elementary school . ang nasa larawan ay si kuya jesus tibayan karga-karga si kuya noel gutierrez .(i-click ang picture para lumaki).

Wednesday, October 1, 2008

gasolinahan sa badayo

makikita sa likod ang gasolinahan nina lola trining reyes. hindi pa sementado ang kalsada ng mga panahong iyon. ang nasa larawan ay ang aking nanay luz karga-karga ako .

Tuesday, September 30, 2008

mga himala ni san isidro labrador

maraming himala ang naitala tungkol kay san isidro labrador. bukod pa ito sa mga anghel na kasama niyang nagbubungkal ng lupa, sa pamamagitan ng pagdarasal ay nabuhay niya ang anak na babae ng kanyang amo at napabukal din niya ang tubig sa tuyot na lupain para may mainom, nailigtas din nina san isidro at asawa niyang si santa maria de cabeza ang anak nilang nahulog sa balon na iniluwa ng tumaas ang tubig na parang walang nangyari.

minsan ay inimbitahan ng mga kasamahan sa pagbubungkal ng lupa si san isidro sa isang salo-salo. dahil mahal niya ang mga pulubi, isinama niya sila mula sa simbahan na kanyang pinagdarasalan , at pumunta sila sa nasabing piging. nagulat ang punong abala sa nakita niya at tinanong kung paano niya ito mapapakain . dahil nahuli na siya ng dating, iyong para sa kanya lang ang natira. subalit sinabi niya na may sapat na pagkain para sa lahat. at himala nagkasya ito at may sumobra pa.

isa pang pagkakataon na naghimala siya sa pamamagitan ng pagpapadami. malaki ang pagmamahal ni san isidro lalu na sa mga hayop. minsan isang pagkakataon na taglamig doon, habang pasan-pasan niya ang isang sako ng trigo para gilingin, nakita niya ang mga ibon na tumutuka sa mga sanga ng puno na walang dahon at walang bunga . wala silang matuka. binuksan ni san isidro ang sako ng trigo at isinabog niya sa lupa. at kahit na kinukutya siya ng kanyang kasama na halos kalahati na ang natira ay hindi niya ito pinansin. subalit nang dumating silang dalawa sa gilingan ng trigo, puno pa rin ang sakong dala ni san isidro at nakapaggawa ng higit doble sa inaasahan niyang dami ng giniling na trigo.

nang mga apatnapung taon nang namamatay si san isidro, maraming milagro ang nangyari sa kanyang pamamagitan kaya ang kanyang labi ay inilipat sa isang dambana sa simbahan ni san andres. nananatili pa ring buo ang labi ni san isidro. noong 1211, nagpakita kay haring alfonso ng castile, na nakikipaglaban sa nga moors sa paso ng navas de tolosa si san isidro at itinuro niya sa hari ang kubling daan para masurpresa at matalo ang mga kalaban. mahigit apat na daang taon na ang nakalipas nang mamatay si san isidro, si haring felipe III ay may malubhang sakit na walang lunas at wala nang magagawa ang mga manggagamot. ang dambana ni san isidro ay ipinurusisyon mula sa madrid hanggang sa silid ng hari. sa oras na ang labi niya ay inialis sa simbahang pinaglagakan niya, nawala na ang sakit ng hari at nang dumating sa palasyo at dinala sa kanyang harapan ay tuluyan nang gumaling.


Monday, September 29, 2008

sino si san isidro labrador?

























si San Isidro Labrador ay ipinanganak na mahirap ng kanyang mga magulang malapit sa madrid , espanya noong taong 1070. siya ay nanilbihan sa isang mayamang maylupa na si juan de vargas sa kanyang sakahan sa paligid ng madrid. at ginawa siyang katiwala ng lahat ng kanyang lupain sa ibabang caramanca (isang bayan sa espanya).

tuwing umaga bago pumunta sa trabaho, si San Isidro ay laging sumisimba at nakikinig ng misa sa isang simbahan sa madrid. isang araw ay nagreklamo ang kasamahan niyang nagtatrabaho sa kanilang amo na laging nahuhuli sa pagtatrabaho tuwing umaga. at nang mag-imbistiga ang kanyang amo, nakita niyang nagdarasal si San Isisdro habang isang anghel ang nagbubungkal ng lupa para sa kanya.

sa isa namang okasyon, nakita ng kanyang amo si San Isidro na may anghel sa kanyang magkabilang tabi , kaya katumbas ng tatlong magsasaka ang nagtatrabaho. si San Isidro din ang bumuhay sa anak na babae ng kanyang amo na namatay na, at nagpabukal ng tubig sa tuyong bukirin upang mapatid ang uhaw ng kanyang amo.

si San Isidro ay ikinasal kay Maria Torribia, tinanghal na santa bilang Santa Maria de la Cabeza sa espanya dahil ang kanyang ulo (cabeza sa wikang kastila) ay ipinuprusisyon kapag tag-tuyot. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay may isang anak na lalaki at namatay sa murang idad. minsan ay nahulog sa isang balong malalim ang kanilang anak, at sa pagdarasal ng taimtim ng mag-asawa ay milagrong tumaas ang tubig kapantay ng lupa dinala ang kanilang anak na ligtas at buhay. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay sumumpang hindi na magniniig at tumira sila sa magkahiwalay na bahay.

si San Isidro Labrador ay namatay noong mayo 15, 1130 sa kanyang bayang sinilangan malapit sa madrid. noong gumaling sa isang malubhang sakit si Haring Felipe III sa pamamagitan ng pag hawak sa banal na labi ng santo, pinaltan niya ng pilak ang kanyang pinaglalagakan.

si San Isidro Labrador ay biniyatipikahan noong mayo 2, 1619 ni Papa Pablo V. diniklara siyang isang santo tatlong taon ang lumipas ni Papa Gregorio XV, kasama si San Ignatius de loyola, San Francis Xavier, Santa Teresa de Avila at San Felipe Neri ng Roma noong marso 12, 1622. sila ay ang limang pinakadakilang santo sa panahon ng Catholic Reformation. si San Isidro Labrador ay patron ng mga magsasaka, manggagawa at rural na komyunidad.
( source: wikipedia, the free encyclopedia, http://en.wikipedia.org/wiki/Saint_Isidore_the_Labourer )

Sunday, September 28, 2008

kurakol '95 (#4)

ang patron ng balsahan ay si san isidro labrador. tuwing mayo 15 ang araw ng kanyang kapistahan. ang matandang san isidro labrador o ang "orihinal" ay pag-aari ng pamilya salcedo. nang lumipat sila ng tirahan, at sa aking pagkaka-alam, ang pamilya nina kaka piyang at boying rasay ang nagpagawa ng imahe ng bagong san isidro labrador na siyang ginagamit hanggang sa ngayon. nang mangibang- bansa na si kuya boying, ang naging caretaker na ay sina kuya vic at lydia reyes at ito ngayon ay pinamamahalaan na ni kapitan gerald sugue. ang gumawa ng andas ni san isidro ay si tatay during benavidez . bagamat nasisira na at nababali na ang andas ay patuloy pa rin itong inaayos at pinanatili pa rin sa dating anyo. marami pang kasaysayan tayong mababasa tungkol kay san isidro labrador na patron ng balsahan sa mga susunod na blog.

Friday, September 26, 2008

kurakol '95 (#3)

ito pa ang ilang larawan ng mga babaeng miyembro ng txrd force na sumasayaw sa kurakol .

kurakol '95 (#2)

pasan-pasan ng tropa ang andas ni san isidro labrador bilang panata. naniniwala ang tropa na ang pananalangin at pagsasakripisyo kay san isidro ay magdudulot ng kaigihan sa buhay, lalu na kung sasamahan ng sipag at tiyaga.

Wednesday, September 24, 2008

kurakol '95 (picture #1)

ito ay noong may 15, 1995 , ang nasa larawan ay sina tirso pinco, gerald sugue, ate tessie anuat, ako, ed pinco(nasa likudan) at kuya teddy lopez na kadadating lang galing guam, u.s.a. karga ang apo niyang si noreen (anak ni nomer).

Tuesday, September 23, 2008

kurakol '03

ito ay kuha ng magsisimula na ang kurakol noong mayo 15, 2003.

Sunday, September 21, 2008

kurakol '98



makikita sa larawan na nasa may looban na ang andas ni San Isidro Labrador buhat -buhat ng tropa. kuha ito sa harapan ng bahay namin. ito ay noong mayo 15, 1998. (picture courtesy of fernan repil). (i-click ang picture para lumaki).

Friday, September 19, 2008

field trip sa bulacan #2

nagkainan muna kami ng kani-kanyang baon habang ginagawa ang bus na sinasakyan namin papuntang bulacan. naantala ang biyahe namin kaya para hindi mainip, nagkuhanan muna ng pictures para may souvenir. makikita sa pictures sina (bahagyang makikita) kuya mario pinco at kuya isidro pinco, nasa harapan si vic pinco, jennie castillo-jacob, ako at si lena reyes-flores.(picture courtesy of jennie jacob and lena flores).

Wednesday, September 17, 2008

tindahan ni ate melit

dito tumatambay ang tropa pagkatapos kumain ng hapunan. dito kami nagku-kwentuhan ng mga nangyari sa maghapon. ito ay kuha sa harapan ng tindahan ni ate melit. ang nasa larawan ay si ate melit pinco-bautista, cesar del rosario, nomer lopez at ako. magkasama noon kami ni nomer sa munisipyo ng naic, cavite. (i-click ang picture para lumaki.)

Sunday, September 14, 2008

sabado de gloria (#3)


ito naman ay noong nag sabado de gloria kami sa vista del mar beach resort sa bucana sasahan. ang mga nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) bal ilog, nanie francia, gerald lopez at michael samaniego. ang kanilang binubuhat at ihahagis sa dagat ay si vic pinco.

Friday, September 12, 2008

sabado de gloria (#2)

makikita dito na ginagamitan ni cesar ng remote ang camera . inaantay naming makunan kami.
kay sarap alalahanin ang mga panahon noon. nami-miss ko tuloy ito.

Tuesday, September 9, 2008

sabado de gloria (picture #1)

noong araw kapag sabado de gloria, kasama namin ang tropa kapag naliligo sa dagat. sa seaside beach resort kami nagpunta. may baon kaming pagkain. may dala kaming kanin at ulam at palabok na luto ni nanay luz. sila ay nagdadala din ng prutas . sama-sama ang tropa kapag may ganitong okasyon. ang nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) nick repil, kuya noel gutierrez, ako (defs gutierrez), yoyeth gutierrez, alex repil, cesar del rosario at ang nakahiga ay si marlon magloncio. (i-click ang picture para lumaki).

Monday, September 1, 2008

tambayan 3


lumipat na ng bahay sina ate lydia at kaka intang sa brgy. latoria . inalis na nila ang bahay sa may tambayan ng tropa kaya naging bakante na ito. dito naglulutuan kapag may okasyon ang tropa. makikita sa larawan na nagli-lechon si jessie abad katabi si kuya noel gutierrez.(i-click ang picture para lumaki).

tambayan 2


makikita dito ang tropa na nagtatambayan. dito nagbibidahan at nagkukwentuhan. pyesta ng bayan ito at may handaang kaunti sa amin. ang nasa picture ay sina (nakatayo mula kaliwa) johnny morales, rico zafra, jeje pilpil, rey milay (kumpare ko), ako (delfin gutierrez), tirso pinco, joey castillo, (nakaupo)willy "pinocchio" poblete,nick repil, totoy liwanag at rannie valencia.

ang mga babae ng txrd force


sila ang ilan sa mga babaeng miyembro ng txrd force. katulong sila ng tropa. ang kanilang suporta ay hindi mapapantayan at mababayaran, kaya't sinusuklian din sila ng paggalang at pagkilala ng tropa. sila ay sina (mula sa kaliwa) lena reyes-flores, jennie castillo-jacob, karen del rosario at jasmin castillo-poblete. (ang wala sa larawan ay sina cherrie valenzuela, ellen arcega, lilian pinco at nor del rosario-sugue). (picture courtesy of jennie jacob and lena flores).

mahinhin jennie's home


kuha ito sa bahay nina kuya pepe at ate lonie castillo. dito kami nanunuod ng video na ina-arkila ng tropa. parang bahay na din ito ng mga tropa . natatandaan ko kapag naulan at hindi makita ang tropa, siguradong na kina jennie pupunta. titingnan lang kung maraming tsinelas sa may puno ng haghan nila at siguradong naandoon sila at nanunuod ng palabas. ang kalokohan ng tropa ay kapag malapit nang matapos ang pelikula ay may bababa na at itatago ang kabiyak ng tsinelas at itatago sa bubong ng ulbo ng baboy ni ate lonie. siguradong hahanapin nila ito. masaya talaga noon. ang nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) vic pinco, kuya noel gutierrez, dennis pinco, cherrie valenzuela, jasmin castillo-poblete, jennie castillo-jacob, mag-asawang lonie at pepe castillo at sa harapan si ed pinco.(picture courtesy of jennie jacob and lena flores). (i-click ang picture para lumaki).

Tuesday, August 26, 2008

jennie and lena

ang nasa larawan ay sina lena reyes-flores at jennie castillo-jacob. katulong ko sila sa pagbuo ng pangarap kong ito na mailathala sa blogsite ang tropang txrd force at ang ating maliit at masayang nayon na balsahan. bahagi sila upang maisakatuparan ang blog na ito. sila ang nagbibigay ng pictures na ipino-post ko dito. naglalaan sila ng oras upang mangalap ng mga larawan ng txrd force. may mga kwento ang bawat larawan na ibinibigay nila na nagpapaalala ng masasayang panahon noong araw. maraming-maraming salamat sa kanilang dalawa . . .

Thursday, August 21, 2008

tropa sa labasan

kuha ito noong piyesta ng San Isidro Labrador noong may 15,2002. kuha ito sa harapan ng bahay nina ate baby at rodolfo custodio. ang nasa picture ay sina (mula sa kaliwa) dennis pinco, allan macalindong, delfin"defs" gutierrez, marlon"mamu" magloncio, mercy toribio, cornelio"pito" pinco, venancio"cocoy" ilog, edward"hapon" pinco, joel"joey" castillo karga ang pamangkin niya, edwin apay (asawa ni grace punzalan), rene "intsek" garcia at jessie"atan" amazona. (i-click ang picture para lumaki).

Wednesday, August 20, 2008

umpukan sa looban

kuha ito sa tapat ng bahay nina kuya memeng(major) punzalan sa harap din ng bahay nina totoy liwanag. ang mga nasa picture ay sina (mula sa likuran) hindi kilala, ate chillette gutierrez-todavia, ambo abad, bert dayson, cesar del rosario,(sunod na linya) winn del rosario(anak ni kuya esko) nanding amazona at sonny pelina, (sunod na linya) alex repil, tirso pinco, kuya noel gutierrez, gerald sugue at rannie valencia. (sunod na linya) marlon magloncio, delfin gutierrez, gerald lopez, jessie pelina, kuya pepe castillo at kuya teddy lopez, at sa harapan si julius dela cruz. hindi nakahabol si ate mercy toribio. ( i-click ang picture para lumaki).

pader sa looban

nagpapalamig at nakasandal kaming tropa sa pader sa harap ng bahay namin sa looban matapos naming i-prusisyon ang San Isidro Labrador pagkatapos ng misa noong may 15,1996. ang mga nasa larawan mula sa kaliwa ay sina vic pinco, rico francia, elmer francia, julius dela cruz, delfin gutierrez, fernan repil, joel castillo at si rhea mojica.(picture courtesy of fernan repil). (i-click ang picture para lumaki).

field trip sa bulacan

ito ay kuha noong nag excursion sa bulacan fantasy resort ang tropang txrd force. nasiraan ang bus na sinakyan namin kaya nagpicturan muna. ang nasa larawan ay sina (nakatayo mula sa kaliwa) jasmin castillo-poblete kasama ang hipag niya si judith (asawa ni joey castillo) kasunod si cherrie valenzuela, sir romy asejo at jennie castillo-jacob, sa bandang ibaba sina joel castillo, lena reyes-flores, ellen arcega, nor del rosario-sugue at cesar del rosario. (picture courtesy of jennie jacob and lena flores) iclick ang picture para lumaki.

txrd force field trip (#3)

kitang-kita na nagkakatuwaan ang tropa. kuha ito sa villa colmenar sa indang, cavite. ang mga nasa picture ay sina ( mula kaliwa bandang itaas pababa) jun-jun toribio, sean sugue karga ng nanay niyang si nor del rosario-sugue, vic pinco, clifford cabugos, tirso pinco, gerald sugue, jessie lopez, gerald lopez, sherley toribio, nino cabugos, cornelio pinco, mark del rosario, jennie castillo-jacob, richie navasa, edward pinco, jasmin castillo-poblete, rowena ilog (asawa ni bal ilog), allan macalindong, dennis pinco, bebet dayson, julius dela cruz, joel castillo at lilian pinco. (picture courtesy of jennie jacob and lena flores).(i-click ang picture para lumaki.)

txrd force field trip (# 2)

ito pa ang ilang pictures. kasama sina jeje castillo, ate melit pinco-bautista, gerald lopez, arcely dayson, lena reyes-flores, jennie castillo-jacob at dennis pinco. kuha ito sa villa colmenar resort sa indang,cavite. (picture courtesy of jennie jacob and lena flores).(i-click ang picture para lumaki)

txrd force field trip (picture #1)


minsan ay nagkaroon ng field trip ang txrd force. umarkila at nanghiram ng sasakyan ang tropa at isinama na din ang ilang mga taga balsahan. nagluto ng ilang putahe para may makain at ang iba naman ay nagdala bilang kontribusyon sa pagkain. masaya ang lahat at nagkakatuwaan. ito ay ginanap sa villa colmenar resort sa indang, cavite. ang mga nasa larawan ay sina(mula kaliwa sa harapan )dennis pinco, nell mojica, clifford cabugos, arcely dayson, tala reyes, lilian pinco, jenny pinco-jacob, at nasa tabi si carina dela cruz, (nasa bandang likod mula sa kaliwa) nelson gonzales, cornelio pinco, fe pinco, sherly toribio, joel castillo, alice abad, noel gutierrez, erwin olano, marlon magloncio, vic pinco, delfin gutierrez karga ang anak na si dale at rannie valencia karga si tyron na anak ni tirso pinco.(picture courtesy of jennie castillo-jacob and lena reyes-flores)(abangan pa ang ilang pictures sa susunod.)(i-click ang picture para lumaki).

Saturday, August 9, 2008

balsahan cardinals

ang nasa picture ay sina bong lopez, noel gutierrez, rannie valencia at nasa likod si alex repil. kuha ito habang sila ay nagpaparada.

ang nasa picture ay sina (mula kaliwa ,unang hanay) taguie castillo, toto antiojo, edwin ortanez, noel gutierrez(team manager) gomer sandullan( asawa ni ate eddie lopez) alex repil, (ikalawang hanay mula kaliwa)jessie zafra, idoy pinco,rannie valencia, sollie yumang,rico zafra, sonny pelina at nomer lopez,(wala sa picture si bong lopez) . (i-click ang picture para lumaki.)


naging champion sila sa basketball sa naic. sila ang balsahan cardinals. magagaling sila sa basketball katulad din ng riverside goldies noong araw at sila ang mga iniidolo ng mga kabataan noon. makikita sa larawan ang suporta ng mga taga balsahan.