Monday, September 29, 2008

sino si san isidro labrador?

























si San Isidro Labrador ay ipinanganak na mahirap ng kanyang mga magulang malapit sa madrid , espanya noong taong 1070. siya ay nanilbihan sa isang mayamang maylupa na si juan de vargas sa kanyang sakahan sa paligid ng madrid. at ginawa siyang katiwala ng lahat ng kanyang lupain sa ibabang caramanca (isang bayan sa espanya).

tuwing umaga bago pumunta sa trabaho, si San Isidro ay laging sumisimba at nakikinig ng misa sa isang simbahan sa madrid. isang araw ay nagreklamo ang kasamahan niyang nagtatrabaho sa kanilang amo na laging nahuhuli sa pagtatrabaho tuwing umaga. at nang mag-imbistiga ang kanyang amo, nakita niyang nagdarasal si San Isisdro habang isang anghel ang nagbubungkal ng lupa para sa kanya.

sa isa namang okasyon, nakita ng kanyang amo si San Isidro na may anghel sa kanyang magkabilang tabi , kaya katumbas ng tatlong magsasaka ang nagtatrabaho. si San Isidro din ang bumuhay sa anak na babae ng kanyang amo na namatay na, at nagpabukal ng tubig sa tuyong bukirin upang mapatid ang uhaw ng kanyang amo.

si San Isidro ay ikinasal kay Maria Torribia, tinanghal na santa bilang Santa Maria de la Cabeza sa espanya dahil ang kanyang ulo (cabeza sa wikang kastila) ay ipinuprusisyon kapag tag-tuyot. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay may isang anak na lalaki at namatay sa murang idad. minsan ay nahulog sa isang balong malalim ang kanilang anak, at sa pagdarasal ng taimtim ng mag-asawa ay milagrong tumaas ang tubig kapantay ng lupa dinala ang kanilang anak na ligtas at buhay. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay sumumpang hindi na magniniig at tumira sila sa magkahiwalay na bahay.

si San Isidro Labrador ay namatay noong mayo 15, 1130 sa kanyang bayang sinilangan malapit sa madrid. noong gumaling sa isang malubhang sakit si Haring Felipe III sa pamamagitan ng pag hawak sa banal na labi ng santo, pinaltan niya ng pilak ang kanyang pinaglalagakan.

si San Isidro Labrador ay biniyatipikahan noong mayo 2, 1619 ni Papa Pablo V. diniklara siyang isang santo tatlong taon ang lumipas ni Papa Gregorio XV, kasama si San Ignatius de loyola, San Francis Xavier, Santa Teresa de Avila at San Felipe Neri ng Roma noong marso 12, 1622. sila ay ang limang pinakadakilang santo sa panahon ng Catholic Reformation. si San Isidro Labrador ay patron ng mga magsasaka, manggagawa at rural na komyunidad.
( source: wikipedia, the free encyclopedia, http://en.wikipedia.org/wiki/Saint_Isidore_the_Labourer )

7 comments:

jamaica honey l.galit said...

naku

Unknown said...

That's my patron

Unknown said...

Happy fiest day san isidro labrador here in our barangay.

Unknown said...

St. San Isidro Labrador basbasan mo ng iyong pagpapala at grasya ang aking pamilya, AMEN.

Unknown said...

san isidro labrador aming patron ng magsasaka basbasan nyo po sana ang aking pananim na pakwan sa san lucas barotac viejo iloilo panginoon san isidro labrador wag nyo naman po sana pabayaan ang aking pananim iligtas nyo pa sana sa baha at patigilin nyo na po muna ang ulan don itong darating po na fiesta samin at ikaw ang aming patron mag aalay po ako sau at ako na po ang mag babayad po sa misa panginoon taos puso po akong nanalangin sa inyo san isidro labrador patapusin nyo sana ako mag harvest bago umulan sinior

Unknown said...

San Isidro Labrador tulungan mo po kaming mga manggagawa

Anonymous said...

San Isidro Labrador,sa iyong pamamagitan pagpapalain nawa ng Diyos ang mga pinaghihirapan ng Tatay at Nanay ko. Pagpalain mo nawa po ang among mga panananim at namatay po ung kaisa-isa naming kalabaw subalit nagtitiwala po ako na ang Diyos ang magpoprovide para sa amin through your intercession alam ko po na malapit na ung ipagkaloob ng Diyos sa amin. Thank you po sa Tito namin na nagpapahiram sa amin ng kalabaw. Amen