Wednesday, May 11, 2011

ika-labingsiyam na kaarawan ng txrd4z

Naganap noong ika-sampu ng Mayo ng taong kasalukuyan ang ika-labingsiyam na taung kaarawan ng TXRD4z. Sa bakuran nina Kapitana Pacing Pinpin naganap ang masayang salu-salo ng tropa. Sinigang na baboy, at piniritong tilapia at galung-gong at kanin na inihain sa dahon ng saging lamang ang pinagsaluhan ng nakakamay subalit hindi matatawaran ang tawanan at kasayahan sa paligid nang mga pagkakataong iyon. Isang pagkakataong hindi malilimutan ang nahuli ng mga lente ng kamera at ito ay inyong matutunghayan. mabuhay ang TXRD4z...