Friday, May 14, 2010

mga himala ni san isidro labrador

maraming himala ang naitala tungkol kay san isidro labrador. bukod pa ito sa mga anghel na kasama niyang nagbubungkal ng lupa, sa pamamagitan ng pagdarasal ay nabuhay niya ang anak na babae ng kanyang amo at napabukal din niya ang tubig sa tuyot na lupain para may mainom, nailigtas din nina san isidro at asawa niyang si santa maria de cabeza ang anak nilang nahulog sa balon na iniluwa ng tumaas ang tubig na parang walang nangyari.

minsan ay inimbitahan ng mga kasamahan sa pagbubungkal ng lupa si san isidro sa isang salo-salo. dahil mahal niya ang mga pulubi, isinama niya sila mula sa simbahan na kanyang pinagdarasalan , at pumunta sila sa nasabing piging. nagulat ang punong abala sa nakita niya at tinanong kung paano niya ito mapapakain . dahil nahuli na siya ng dating, iyong para sa kanya lang ang natira. subalit sinabi niya na may sapat na pagkain para sa lahat. at himala nagkasya ito at may sumobra pa.

isa pang pagkakataon na naghimala siya sa pamamagitan ng pagpapadami. malaki ang pagmamahal ni san isidro lalu na sa mga hayop. minsan isang pagkakataon na taglamig doon, habang pasan-pasan niya ang isang sako ng trigo para gilingin, nakita niya ang mga ibon na tumutuka sa mga sanga ng puno na walang dahon at walang bunga . wala silang matuka. binuksan ni san isidro ang sako ng trigo at isinabog niya sa lupa. at kahit na kinukutya siya ng kanyang kasama na halos kalahati na ang natira ay hindi niya ito pinansin. subalit nang dumating silang dalawa sa gilingan ng trigo, puno pa rin ang sakong dala ni san isidro at nakapaggawa ng higit doble sa inaasahan niyang dami ng giniling na trigo.

nang mga apatnapung taon nang namamatay si san isidro, maraming milagro ang nangyari sa kanyang pamamagitan kaya ang kanyang labi ay inilipat sa isang dambana sa simbahan ni san andres. nananatili pa ring buo ang labi ni san isidro. noong 1211, nagpakita kay haring alfonso ng castile, na nakikipaglaban sa nga moors sa paso ng navas de tolosa si san isidro at itinuro niya sa hari ang kubling daan para masurpresa at matalo ang mga kalaban. mahigit apat na daang taon na ang nakalipas nang mamatay si san isidro, si haring felipe III ay may malubhang sakit na walang lunas at wala nang magagawa ang mga manggagamot. ang dambana ni san isidro ay ipinurusisyon mula sa madrid hanggang sa silid ng hari. sa oras na ang labi niya ay inialis sa simbahang pinaglagakan niya, nawala na ang sakit ng hari at nang dumating sa palasyo at dinala sa kanyang harapan ay tuluyan nang gumaling.


sino si san isidro labrador

























si San Isidro Labrador ay ipinanganak na mahirap ng kanyang mga magulang malapit sa madrid , espanya noong taong 1070. siya ay nanilbihan sa isang mayamang maylupa na si juan de vargas sa kanyang sakahan sa paligid ng madrid. at ginawa siyang katiwala ng lahat ng kanyang lupain sa ibabang caramanca (isang bayan sa espanya).

tuwing umaga bago pumunta sa trabaho, si San Isidro ay laging sumisimba at nakikinig ng misa sa isang simbahan sa madrid. isang araw ay nagreklamo ang kasamahan niyang nagtatrabaho sa kanilang amo na laging nahuhuli sa pagtatrabaho tuwing umaga. at nang mag-imbistiga ang kanyang amo, nakita niyang nagdarasal si San Isisdro habang isang anghel ang nagbubungkal ng lupa para sa kanya.

sa isa namang okasyon, nakita ng kanyang amo si San Isidro na may anghel sa kanyang magkabilang tabi , kaya katumbas ng tatlong magsasaka ang nagtatrabaho. si San Isidro din ang bumuhay sa anak na babae ng kanyang amo na namatay na, at nagpabukal ng tubig sa tuyong bukirin upang mapatid ang uhaw ng kanyang amo.

si San Isidro ay ikinasal kay Maria Torribia, tinanghal na santa bilang Santa Maria de la Cabeza sa espanya dahil ang kanyang ulo (cabeza sa wikang kastila) ay ipinuprusisyon kapag tag-tuyot. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay may isang anak na lalaki at namatay sa murang idad. minsan ay nahulog sa isang balong malalim ang kanilang anak, at sa pagdarasal ng taimtim ng mag-asawa ay milagrong tumaas ang tubig kapantay ng lupa dinala ang kanilang anak na ligtas at buhay. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay sumumpang hindi na magniniig at tumira sila sa magkahiwalay na bahay.

si San Isidro Labrador ay namatay noong mayo 15, 1130 sa kanyang bayang sinilangan malapit sa madrid. noong gumaling sa isang malubhang sakit si Haring Felipe III sa pamamagitan ng pag hawak sa banal na labi ng santo, pinaltan niya ng pilak ang kanyang pinaglalagakan.

si San Isidro Labrador ay biniyatipikahan noong mayo 2, 1619 ni Papa Pablo V. diniklara siyang isang santo tatlong taon ang lumipas ni Papa Gregorio XV, kasama si San Ignatius de loyola, San Francis Xavier, Santa Teresa de Avila at San Felipe Neri ng Roma noong marso 12, 1622. sila ay ang limang pinakadakilang santo sa panahon ng Catholic Reformation. si San Isidro Labrador ay patron ng mga magsasaka, manggagawa at rural na komyunidad.
( source: wikipedia, the free encyclopedia, http://en.wikipedia.org/wiki/Saint_Isidore_the_Labourer )