noong ika-23 ng disyembre 2009, nagsagawa ng caroling ang tropang TXRD4Z sa balsahan upang makakalap ng pondo para may maibili ng mga bagay na maibigay sa ating mga kanayon. ang halagang nalikom ay ibinili ng mga pagkain at de-lata, mayroong sardinas, keso, pulbos na gatas, kape, asukal, bigas, tinapay at noodles. maraming salamat kay kapitan gerald sugue sa pagbibigay ng bigas, kay konsehal darryl sunga, jennie jacob, kuya toto lopez at ate dennie dacanay sa mga noodles.
marami ang nakatanggap noong ika 31 ng disyembre bago maghiwalay ang taon, kung saan ito ay ipinamahagi. hindi sapat para mabigyan lahat kaya napagkasunduan na lang na magpalabunutan kung sino ang mga bibigyan.
ang diwa ng pagbibigayan at pagtutulungan ang layunin ng txrd4z at ito ay kanilang naipakita. maraming salamat sa lahat ng miyembro na nagsakatuparan ng layuning ito. makikita din sa mga larawan ang mga naging kaganapan.

maraming maraming salamat kina gng. jennie c. jacob, gng. lena r. flores at bb. cherrie valenzuela dahil kung hindi sa kanila ay hindi maisasakatuparan ito at sa lahat ng miyembro ng txrd4z mabuhay kayong lahat.