Friday, September 4, 2009

in memoriam


LILIAN PINCO CATANGHAL
1964 - 2009

. . . mapayapa ka aming minamahal na humayo,
sa langit, doon ka liligaya . . .
mananatili at maaalala ka sa aming puso,
hanggang sa ating muling pagkikita . . .
isang araw na hindi rin magtatagal. . . hanggang sa susunod na buhay. . .

. . . vete en paz mi querida amada,
en el cielo, tu seras siempre feliz . . .
tu estaras y recondada en nuestros corazones,
hasta que un dia nos volveremos a ver otra ves . . .
una dia hasta pronto . . . hasta la siguiente vida . . .


. . . go in peace our dear love one,
for in heaven, you'll always be happy . . .
you'll always stay and remembered in our hearts,
'till the day we see each other again . . .
one day soon . . . 'till next life . . .


. . . hindi ka namin malilimutan . . .


Siya si Lilian "Ian" Pinco-Catanghal o Pangu-lo sa tropa at ikatlo sa siyam na anak nina Isidro Pinco at Leonor Silva. Ipinanganak noong Agosto 13, 1964, si Ian ay hinubog ng kasipagan at kabutihan ng kanyang mga magulang , si Kuya Sidro na isang mabuti at masipag na dyanitor ng Mababang Paaralan ng Balsahan at si Ate Leonor na nagluluto at nagtitinda ng bibingka at puto bumbong kapag sumasapit ang kapaskuhan.

Sa Mababang Paaralan ng Balsahan siya nagtapos ng elementarya at sa Western Colleges siya nagtapos ng high school . Sa Western Colleges din siya nagtapos ng kolehiyo sa kursong Edukasyon.

Naging Kalihim siya ng Barangay Balsahan sa pamumuno ni Kapitan Noel Gutierrez at ito ay kanyang binitiwan nang siya ay nangibang bayan para maghanap-buhay. Doon niya nakilala ang kanyang kabiyak na si Mario Catanghal. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Mark Ian "Mac-mac" at Marjonete .

Likas na masayahin at magaling makisama siya kaya't nakuha niya ang respeto at pakikisama ng tropa. Kapag dumadating ang araw ng pasko, siya ang nag-aasikaso ng field trip sa Boom na Boom , nanunuod ng parada ng mga bituin kapag may film festival sa Maynila, at excursion naman kapag dumadating ang bakasyon . Ginagawa niya ito upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng tropa.

Ang kasipagan niya ay namalas noong siya na ang nagpatuloy ng pagluluto at pagtitinda ng bibingka at puto bumbong. Itinaguyod niya ang kanyang pamilya na hindi umaasa sa iba.

Isa siyang tunay na kaibigan, hindi ka niya iiwan at pababayaan sa oras na kailangan . Papayuhan ka niya kung ikaw ay naliligaw ng landas. Inuuna niya ang kanyang pamilya at kaibigan bago ang kanyang sarili.

At dahil sa kanyang karamdaman, siya ay pumanaw sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal noong Setyembre 3, 2009 sa edad na apatnapu't lima.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Lilian mula sa lahat ng kasapi ng TXRD Force.



ito ang ilan sa mga huling larawan ni Lilian nitong kapistahan ni San Isidro Labrador sa Balsahan.

pasasalamat kay Gng. Jennie C. Jacob sa mga ilang impormasyon patungkol sa ating kapatid na pumanaw.