Sunday, April 26, 2009

softball ng tropang txrd force sa sakatihan field

tuwing summer, nag-papalaro ng softball sa balsahan. sa pamamagitan ni kuya bindoy del rosario, inorganisa niya ang mga taga-balsahan na magkaroon ng iba't-ibang koponan upang maglaro ng softball. nangilap siya ng pondo para magkaroon ng pa-premyo mula sa mga balikbayan ng balsahan. ang kagandahan nito, muling namulat ang interest ng mga taga-balsahan sa larong softball na noon araw ay naging kampion ang team ng balsahan sa nasabing palaro. pati na rin ang mga maliliit na kabataan ay naglalaro na din. nagkakaisa ang lahat para makapaglaro. nagkakaroon ng kantyawan at pikunan pero natural lamang ito kung may kompitisyon. ngunit ang mahalaga ay muling nagkakasama at nagkakatuwaan ang mga taga-balsahan. makikita sa larawan ang iba't-ibang koponan ng softball pati na din ang mga maliliit na bata.





















Sunday, April 19, 2009

piknik ng tropang txrd

ang tropa kapag nagkakasama-sama ay nagpi-piknik. sama-samang kumakain ang tropa kapag naluto na ang ulam at kanin kung saan ito ay inilalagay sa nakalatag na dahon ng saging. masayang nagsasalo-salo ang tropa.







































Monday, April 13, 2009

pagsisiyasat sa lugar na pagdarausan para sa darating na anniversary/reunion ng txrd force

binisita ng tropa ang pagdarausan ng darating na anniversary/reunion sa may sakatihan field. sama-samang tinungo ng tropa ang dulong bahagi ng nasabing lugar upang mapag-aralan ang mga hakbang na gagawin upang maging maayos at kaaya-aya ang pagdarausan. makikita din sa larawan ang natapos na pagpupulong sa bahay ni jennie jacob sa gulod, munting mapino kung saan may pinag-usapang mga bagay-bagay para sa ikapagtatagumpay ng nasabing pagdiriwang.



























Saturday, April 11, 2009

pagpapatala ng mga miyembro ng txrd force

noong lunes santo, abril 6 , naganap ang panglahatang pagpapatala ng mga miyembro , ang mga datihan at mga sasapi pa lamang. marami ang nagsi-puntahan sa barangay hall para magpatala. ang araw ding ito ang ilang mga tropa ay maliligo sa isang pribadong resort sa ternate , cavite, kaya't makikita din sa larawan ang kanilang paghahanda.