Monday, March 23, 2009

txrd force volleyball team

ito ang larawan ng txrd force volleyball team. sila ang nag-champion sa pa-liga ng naic magilas jaycees. ang larawang ito ay kuha sa sakatihan field.

Saturday, March 21, 2009

pa-party ng txrd force

para maka-kalap ng pondo, ang tropang txrd force ay nagsagawa ng party sa basketball court. malaki ang kinita ng party at nakalikom ng malaking halaga na ayon sa sound system na aming kinuha, sa karanasan nila sa pagtugtog dito, ito na ang pinakamalaking kinita ng isang pa-party noong mga panahong iyon. nangyari ito dahil sa sama-samang nagkakaisa ang tropa sa pagbabantay at pagtutulungan na may dedikasyon at hangaring mabuti para sa samahan.

Thursday, March 19, 2009

pagdadamayan at pagtutulungan

masayang nagpakuha ng larawan ang tropa habang nagpapahinga sa pagbabakod sa ibayo.
hindi nila alintana ang init ng araw dahil masaya silang gumagawa kahit walang anumang kapalit basta't sama-sama. dyan mo masusukat ang tunay na samahan.

Tuesday, March 17, 2009

pagdadamayan at pagtutulungan

makikita sa larawan ang tropa na tumutulong sa bawat isang miyembro ng walang kapalit. ang magandang samahan ang pinapakita dito na siyang ipinagmamalaki ng txrd force.

Friday, March 13, 2009

txrd force's sabado de gloria '94(#4)

naghahanda na sa pag-uwi ang tropa. natapos nang maligo sa dagat. masayang uuwi sa balsahan ang tropa dala ang mga ala-ala ng kasiyahan na idinulot ng sama-samang paliligo at kainan sa vista del mar.

Wednesday, March 11, 2009

txrd force's sabado de gloria '94 (#3)

iba pang larawan ng tropa habang nagkakainan noong sabado de gloria sa vista delmar.

Monday, March 9, 2009

txrd force's sabado de gloria (#2)

naglalaro ng mahjong pagkatapos magkainan ng tanghalian sa inarkilang cottage ang tropa kasama ang aming pamilya. masayang naglalaro sila at nagtatawanan habang kinukunan ng picture.

Saturday, March 7, 2009

txrd force's sabado de gloria '94

kapag kami ay nagdiriwang ng sabado de gloria, kasama namin ang txrd force. nagpunta kami sa vista del mar . nagkakainan ang tropa sa inupahang cottage . masaya talagang tingnan ang mga larawan na nagkakatuwaan ang buong tropa .

Thursday, March 5, 2009

txrd force sa tapat ng tambakan

nag-uunahan uli sa pagpwesto sa harap ng camera ang tropa sa may labasan naman sa tapat ng tambakan.

Tuesday, March 3, 2009

txrd force sa looban


masaya talaga sa looban lalu na kapag nagkakatuwaan. makikita sa larawan ang tropa habang nag-uunahan sa pagpwesto sa harap ng camera.

Sunday, March 1, 2009

ikalawang taong kaarawan ng txrd force #3

naghahanda na para umuwi ang tropa . masayang nagkuhanan ng pictures habang ina-antay ang truck na sasakyan ng tropa. si pareng jojie ang nagda-drive ng truck nila na ginawang panghakot.