Saturday, December 26, 2009
christmas caroling ng tropa
nitong nakaraang miyerkules, disyembre 23,2009 nagsagawa ng karoling ang tropang txrd. ginawa nila ito upang makalikom ng pondo para mayroong maipamahagi sa ating mga kanayon sa balsahan . ito ay taon-taon na ginagawa ng tropa upang maging masaya ang ilan nating mga kanayong dahop sa buhay. bukal sa kanilang loob ang gawaing ito at naglaan sila ng kanilang panahon at talento upang maisakatuparan ang magandang layuning ito, ang makapagbigay ng munting regalo sa ating mga kanayon. nagpapasalamat ako sa lahat ng miyembro ng txrd4z na sumama lalung-lalu na sa "tatlong ilaw" ng txrd4z na siyang namahala at namuno sa nasabing gawain. tunay nga ang layunin ng txrd4z na "magandang samahan, may pang-unawa at pagmamalasakit sa kapwa kasamahan at sa nayong pinagmulan."at sa lahat ng mga nagbigay maraming-maraming salamat sa inyo, maligayang pasko at masaganang bagong taon at mabuhay tayong lahat . . .
Friday, September 4, 2009
in memoriam
LILIAN PINCO CATANGHAL
1964 - 2009
. . . mapayapa ka aming minamahal na humayo,
sa langit, doon ka liligaya . . .
mananatili at maaalala ka sa aming puso,
hanggang sa ating muling pagkikita . . .
isang araw na hindi rin magtatagal. . . hanggang sa susunod na buhay. . .
. . . vete en paz mi querida amada,
en el cielo, tu seras siempre feliz . . .
tu estaras y recondada en nuestros corazones,
hasta que un dia nos volveremos a ver otra ves . . .
una dia hasta pronto . . . hasta la siguiente vida . . .
. . . go in peace our dear love one,
for in heaven, you'll always be happy . . .
you'll always stay and remembered in our hearts,
'till the day we see each other again . . .
one day soon . . . 'till next life . . .
. . . hindi ka namin malilimutan . . .

Siya si Lilian "Ian" Pinco-Catanghal o Pangu-lo sa tropa at ikatlo sa siyam na anak nina Isidro Pinco at Leonor Silva. Ipinanganak noong Agosto 13, 1964, si Ian ay hinubog ng kasipagan at kabutihan ng kanyang mga magulang , si Kuya Sidro na isang mabuti at masipag na dyanitor ng Mababang Paaralan ng Balsahan at si Ate Leonor na nagluluto at nagtitinda ng bibingka at puto bumbong kapag sumasapit ang kapaskuhan.
Sa Mababang Paaralan ng Balsahan siya nagtapos ng elementarya at sa Western Colleges siya nagtapos ng high school . Sa Western Colleges din siya nagtapos ng kolehiyo sa kursong Edukasyon.
Naging Kalihim siya ng Barangay Balsahan sa pamumuno ni Kapitan Noel Gutierrez at ito ay kanyang binitiwan nang siya ay nangibang bayan para maghanap-buhay. Doon niya nakilala ang kanyang kabiyak na si Mario Catanghal. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Mark Ian "Mac-mac" at Marjonete .
Likas na masayahin at magaling makisama siya kaya't nakuha niya ang respeto at pakikisama ng tropa. Kapag dumadating ang araw ng pasko, siya ang nag-aasikaso ng field trip sa Boom na Boom , nanunuod ng parada ng mga bituin kapag may film festival sa Maynila, at excursion naman kapag dumadating ang bakasyon . Ginagawa niya ito upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng tropa.
Ang kasipagan niya ay namalas noong siya na ang nagpatuloy ng pagluluto at pagtitinda ng bibingka at puto bumbong. Itinaguyod niya ang kanyang pamilya na hindi umaasa sa iba.
Isa siyang tunay na kaibigan, hindi ka niya iiwan at pababayaan sa oras na kailangan . Papayuhan ka niya kung ikaw ay naliligaw ng landas. Inuuna niya ang kanyang pamilya at kaibigan bago ang kanyang sarili.
At dahil sa kanyang karamdaman, siya ay pumanaw sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal noong Setyembre 3, 2009 sa edad na apatnapu't lima.
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Lilian mula sa lahat ng kasapi ng TXRD Force.
Tuesday, May 19, 2009
kapistahan ni san isidro labrador (karakol '09)
narito at inyong matutunghayan ang mga pangyayari nitong nakaraang araw sa nayon ng balsahan sa pagdiriwang ng kapistahan ni san isidro labrador .
naging mahaba ang mga paghahanda para sa naganap na kapistahan ng san isidro labrador (kurakol '09). sa pangunguna ng chairman ng comite de festejos na si eddie boy repil, sunod-sunod na pagpupulong ang naganap. noong nakaraang mayo 3, nagpulong sila sa barangay hall at doon tinapos o isinapinal ang mga magaganap na mga gawain o activities sa nasabing kaarawan. pagkatapos nito , noong mayo 5, nagpatawag ng pangkalahatang pagpupulong upang malaman ng ating mga kanayon ang mga magiging kaganapan sa ating pagdiriwang. may mga miryendang pospas , puto at pandisal na inihain sa mga dumalo. naging maganda naman ang mga naging pagtugon ng ating mga kanayon. lahat sila ay natutuwa sa mga mangyayari.
nagsimula ito noong mayo 5 sa pamamagitan ng lakbay san isidro labrador na ngayon lang gagawin. ang siyam na pamilya na tumanggap kay san isidro labrador kung saan sila ang naging punong abala sa novena at naghanda na din sa minindal sa mga nagdasal ay ang mga sumusunod: kapitan gerald sugue, naty pisig, pamilya repil, amparo javier-miranda, macario "kap cario" linantud, tessie anuat, , chillette gutierrez-todavia, bindoy at mila del rosario at ruby pilpil-ilog.
naging bahagi din nga halos isang linggong pagdiriwang ang anniversary/reunion ng txrd force na ginanap noong mayo 10 sa sakatihan field.
mayo 11, nagkaroon naman ng softball championship game , best of three kung saan naglaban ang koponan ng pula at asul. nakuha ng pula ang dalawang sunod na panalo sa magkasunod na araw kaya sila ang tinanghal na kampion sa liga ng softball sa pamamahala ni kuya bindoy del rosario. naging matagumpay ang nasabing liga kaya't ito ay pipilitin niyang gawin taon - taon para sa ikasa-saya ng lahat.
mayo 14 naman ginawa ang paglilinis sa nayon. magkakaroon dapat muna ng pag-ehersisyo subalit mainit na kaya naglinis na lang ang lahat mula barangay outpost pababa sa may ilog papasok sa looban. ang iba naman ay naglinis na sa kanilang tapat. may inihandang almusal kung saan na ang mga lahat ng naglinis ay nakakain.
nagsimula ang kapistahan ni san isidro sa pamamagitan ng misa sa simbahan na natapos bandang alas-siyete ng umaga. ang mga naatasang magpasan ng andas ni san isidro ang mga koponan ng softball kung saan suot nila ang kanilang uniporme. mula sa loob ng simbahan unang pumasan ang koponan ng itim na binubuo ng mga opisyal ng baranggay, nang matapat na ito sa baranggay outpost ay ipinasa ito sa koponan na bahaghari kung saan pinasan nila ang andas papasok sa sakatihan field, nang palabas na sila , sa tapat mismo ng gate ng paaralan, ipinasa naman nila ito sa koponan ng berde kung saan ito ay kanilang pinasan hanggang sa ikarga ito sa bangka sa badayo. habang si san isidro ay nasa dagat na, nagkaroon ng palaro sa tapat ng baranggay hall. nang makabalik na ito sa badayo, ito naman ay pinasan ng koponan ng kulay pula. ipinasok nila ito sa looban paakyat sa may paso. nang tumapat na ito sa itaas, ang koponang kulay abo ang pumasan kung saan sila ay nagpatuloy hanggang sa kanto ng pelaez at capt. yoyo jocson. ang andas ay ipinasa nila sa koponan ng asul kung saan pinasan nila ito hanggang kanto ng kalye rizal at mabini, ang koponan naman ng kulay langit o sky-blue ang pumasan hanggang makapasok sa patio ng simbahan. pagkaikot dito ay bumaba na sa balsahan upang maghanda naman sa lutrina o flores de mayo. ang banda ng immaculada concepcion ang tumugtog kasama din ang mobile sa may bandang unahan at gitna.
bandang alas-kuwatro na nang hapon nagsimulang lumakad ang lutrina, nakakatuwang tingnan ang mga maliliit na bata at mga dalagita kasama ang kanilang mga konsorte na naglalakad at ang iba ay nakasakay sa pedikab mula sa balsahan paikot sa daang dinaanan ng karakol. nagbalik ito sa balsahan kung saan nila ay nag minindal na inihanda ng comite de festejos.
kinagabihan ay nagkaroon ng programa kung saan nagkaroon ng sayawan at itinuloy ang palaro. nagkaroon din ng awarding sa mga nagchampion sa softball. masaya at maayos ang lahat sa pagdiriwang ng kapistahan ni san isidro labrador sa nayon ng balsahan.
makikita sa mga larawan ang mga ilang naging kaganapan ng kapistahan ng san isidro labrador (karakol '09).

Subscribe to:
Posts (Atom)