Tuesday, September 30, 2008

mga himala ni san isidro labrador

maraming himala ang naitala tungkol kay san isidro labrador. bukod pa ito sa mga anghel na kasama niyang nagbubungkal ng lupa, sa pamamagitan ng pagdarasal ay nabuhay niya ang anak na babae ng kanyang amo at napabukal din niya ang tubig sa tuyot na lupain para may mainom, nailigtas din nina san isidro at asawa niyang si santa maria de cabeza ang anak nilang nahulog sa balon na iniluwa ng tumaas ang tubig na parang walang nangyari.

minsan ay inimbitahan ng mga kasamahan sa pagbubungkal ng lupa si san isidro sa isang salo-salo. dahil mahal niya ang mga pulubi, isinama niya sila mula sa simbahan na kanyang pinagdarasalan , at pumunta sila sa nasabing piging. nagulat ang punong abala sa nakita niya at tinanong kung paano niya ito mapapakain . dahil nahuli na siya ng dating, iyong para sa kanya lang ang natira. subalit sinabi niya na may sapat na pagkain para sa lahat. at himala nagkasya ito at may sumobra pa.

isa pang pagkakataon na naghimala siya sa pamamagitan ng pagpapadami. malaki ang pagmamahal ni san isidro lalu na sa mga hayop. minsan isang pagkakataon na taglamig doon, habang pasan-pasan niya ang isang sako ng trigo para gilingin, nakita niya ang mga ibon na tumutuka sa mga sanga ng puno na walang dahon at walang bunga . wala silang matuka. binuksan ni san isidro ang sako ng trigo at isinabog niya sa lupa. at kahit na kinukutya siya ng kanyang kasama na halos kalahati na ang natira ay hindi niya ito pinansin. subalit nang dumating silang dalawa sa gilingan ng trigo, puno pa rin ang sakong dala ni san isidro at nakapaggawa ng higit doble sa inaasahan niyang dami ng giniling na trigo.

nang mga apatnapung taon nang namamatay si san isidro, maraming milagro ang nangyari sa kanyang pamamagitan kaya ang kanyang labi ay inilipat sa isang dambana sa simbahan ni san andres. nananatili pa ring buo ang labi ni san isidro. noong 1211, nagpakita kay haring alfonso ng castile, na nakikipaglaban sa nga moors sa paso ng navas de tolosa si san isidro at itinuro niya sa hari ang kubling daan para masurpresa at matalo ang mga kalaban. mahigit apat na daang taon na ang nakalipas nang mamatay si san isidro, si haring felipe III ay may malubhang sakit na walang lunas at wala nang magagawa ang mga manggagamot. ang dambana ni san isidro ay ipinurusisyon mula sa madrid hanggang sa silid ng hari. sa oras na ang labi niya ay inialis sa simbahang pinaglagakan niya, nawala na ang sakit ng hari at nang dumating sa palasyo at dinala sa kanyang harapan ay tuluyan nang gumaling.


Monday, September 29, 2008

sino si san isidro labrador?

























si San Isidro Labrador ay ipinanganak na mahirap ng kanyang mga magulang malapit sa madrid , espanya noong taong 1070. siya ay nanilbihan sa isang mayamang maylupa na si juan de vargas sa kanyang sakahan sa paligid ng madrid. at ginawa siyang katiwala ng lahat ng kanyang lupain sa ibabang caramanca (isang bayan sa espanya).

tuwing umaga bago pumunta sa trabaho, si San Isidro ay laging sumisimba at nakikinig ng misa sa isang simbahan sa madrid. isang araw ay nagreklamo ang kasamahan niyang nagtatrabaho sa kanilang amo na laging nahuhuli sa pagtatrabaho tuwing umaga. at nang mag-imbistiga ang kanyang amo, nakita niyang nagdarasal si San Isisdro habang isang anghel ang nagbubungkal ng lupa para sa kanya.

sa isa namang okasyon, nakita ng kanyang amo si San Isidro na may anghel sa kanyang magkabilang tabi , kaya katumbas ng tatlong magsasaka ang nagtatrabaho. si San Isidro din ang bumuhay sa anak na babae ng kanyang amo na namatay na, at nagpabukal ng tubig sa tuyong bukirin upang mapatid ang uhaw ng kanyang amo.

si San Isidro ay ikinasal kay Maria Torribia, tinanghal na santa bilang Santa Maria de la Cabeza sa espanya dahil ang kanyang ulo (cabeza sa wikang kastila) ay ipinuprusisyon kapag tag-tuyot. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay may isang anak na lalaki at namatay sa murang idad. minsan ay nahulog sa isang balong malalim ang kanilang anak, at sa pagdarasal ng taimtim ng mag-asawa ay milagrong tumaas ang tubig kapantay ng lupa dinala ang kanilang anak na ligtas at buhay. si San Isidro at Santa Maria de la Cabeza ay sumumpang hindi na magniniig at tumira sila sa magkahiwalay na bahay.

si San Isidro Labrador ay namatay noong mayo 15, 1130 sa kanyang bayang sinilangan malapit sa madrid. noong gumaling sa isang malubhang sakit si Haring Felipe III sa pamamagitan ng pag hawak sa banal na labi ng santo, pinaltan niya ng pilak ang kanyang pinaglalagakan.

si San Isidro Labrador ay biniyatipikahan noong mayo 2, 1619 ni Papa Pablo V. diniklara siyang isang santo tatlong taon ang lumipas ni Papa Gregorio XV, kasama si San Ignatius de loyola, San Francis Xavier, Santa Teresa de Avila at San Felipe Neri ng Roma noong marso 12, 1622. sila ay ang limang pinakadakilang santo sa panahon ng Catholic Reformation. si San Isidro Labrador ay patron ng mga magsasaka, manggagawa at rural na komyunidad.
( source: wikipedia, the free encyclopedia, http://en.wikipedia.org/wiki/Saint_Isidore_the_Labourer )

Sunday, September 28, 2008

kurakol '95 (#4)

ang patron ng balsahan ay si san isidro labrador. tuwing mayo 15 ang araw ng kanyang kapistahan. ang matandang san isidro labrador o ang "orihinal" ay pag-aari ng pamilya salcedo. nang lumipat sila ng tirahan, at sa aking pagkaka-alam, ang pamilya nina kaka piyang at boying rasay ang nagpagawa ng imahe ng bagong san isidro labrador na siyang ginagamit hanggang sa ngayon. nang mangibang- bansa na si kuya boying, ang naging caretaker na ay sina kuya vic at lydia reyes at ito ngayon ay pinamamahalaan na ni kapitan gerald sugue. ang gumawa ng andas ni san isidro ay si tatay during benavidez . bagamat nasisira na at nababali na ang andas ay patuloy pa rin itong inaayos at pinanatili pa rin sa dating anyo. marami pang kasaysayan tayong mababasa tungkol kay san isidro labrador na patron ng balsahan sa mga susunod na blog.

Friday, September 26, 2008

kurakol '95 (#3)

ito pa ang ilang larawan ng mga babaeng miyembro ng txrd force na sumasayaw sa kurakol .

kurakol '95 (#2)

pasan-pasan ng tropa ang andas ni san isidro labrador bilang panata. naniniwala ang tropa na ang pananalangin at pagsasakripisyo kay san isidro ay magdudulot ng kaigihan sa buhay, lalu na kung sasamahan ng sipag at tiyaga.

Wednesday, September 24, 2008

kurakol '95 (picture #1)

ito ay noong may 15, 1995 , ang nasa larawan ay sina tirso pinco, gerald sugue, ate tessie anuat, ako, ed pinco(nasa likudan) at kuya teddy lopez na kadadating lang galing guam, u.s.a. karga ang apo niyang si noreen (anak ni nomer).

Tuesday, September 23, 2008

kurakol '03

ito ay kuha ng magsisimula na ang kurakol noong mayo 15, 2003.

Sunday, September 21, 2008

kurakol '98



makikita sa larawan na nasa may looban na ang andas ni San Isidro Labrador buhat -buhat ng tropa. kuha ito sa harapan ng bahay namin. ito ay noong mayo 15, 1998. (picture courtesy of fernan repil). (i-click ang picture para lumaki).

Friday, September 19, 2008

field trip sa bulacan #2

nagkainan muna kami ng kani-kanyang baon habang ginagawa ang bus na sinasakyan namin papuntang bulacan. naantala ang biyahe namin kaya para hindi mainip, nagkuhanan muna ng pictures para may souvenir. makikita sa pictures sina (bahagyang makikita) kuya mario pinco at kuya isidro pinco, nasa harapan si vic pinco, jennie castillo-jacob, ako at si lena reyes-flores.(picture courtesy of jennie jacob and lena flores).

Wednesday, September 17, 2008

tindahan ni ate melit

dito tumatambay ang tropa pagkatapos kumain ng hapunan. dito kami nagku-kwentuhan ng mga nangyari sa maghapon. ito ay kuha sa harapan ng tindahan ni ate melit. ang nasa larawan ay si ate melit pinco-bautista, cesar del rosario, nomer lopez at ako. magkasama noon kami ni nomer sa munisipyo ng naic, cavite. (i-click ang picture para lumaki.)

Sunday, September 14, 2008

sabado de gloria (#3)


ito naman ay noong nag sabado de gloria kami sa vista del mar beach resort sa bucana sasahan. ang mga nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) bal ilog, nanie francia, gerald lopez at michael samaniego. ang kanilang binubuhat at ihahagis sa dagat ay si vic pinco.

Friday, September 12, 2008

sabado de gloria (#2)

makikita dito na ginagamitan ni cesar ng remote ang camera . inaantay naming makunan kami.
kay sarap alalahanin ang mga panahon noon. nami-miss ko tuloy ito.

Tuesday, September 9, 2008

sabado de gloria (picture #1)

noong araw kapag sabado de gloria, kasama namin ang tropa kapag naliligo sa dagat. sa seaside beach resort kami nagpunta. may baon kaming pagkain. may dala kaming kanin at ulam at palabok na luto ni nanay luz. sila ay nagdadala din ng prutas . sama-sama ang tropa kapag may ganitong okasyon. ang nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) nick repil, kuya noel gutierrez, ako (defs gutierrez), yoyeth gutierrez, alex repil, cesar del rosario at ang nakahiga ay si marlon magloncio. (i-click ang picture para lumaki).

Monday, September 1, 2008

tambayan 3


lumipat na ng bahay sina ate lydia at kaka intang sa brgy. latoria . inalis na nila ang bahay sa may tambayan ng tropa kaya naging bakante na ito. dito naglulutuan kapag may okasyon ang tropa. makikita sa larawan na nagli-lechon si jessie abad katabi si kuya noel gutierrez.(i-click ang picture para lumaki).

tambayan 2


makikita dito ang tropa na nagtatambayan. dito nagbibidahan at nagkukwentuhan. pyesta ng bayan ito at may handaang kaunti sa amin. ang nasa picture ay sina (nakatayo mula kaliwa) johnny morales, rico zafra, jeje pilpil, rey milay (kumpare ko), ako (delfin gutierrez), tirso pinco, joey castillo, (nakaupo)willy "pinocchio" poblete,nick repil, totoy liwanag at rannie valencia.

ang mga babae ng txrd force


sila ang ilan sa mga babaeng miyembro ng txrd force. katulong sila ng tropa. ang kanilang suporta ay hindi mapapantayan at mababayaran, kaya't sinusuklian din sila ng paggalang at pagkilala ng tropa. sila ay sina (mula sa kaliwa) lena reyes-flores, jennie castillo-jacob, karen del rosario at jasmin castillo-poblete. (ang wala sa larawan ay sina cherrie valenzuela, ellen arcega, lilian pinco at nor del rosario-sugue). (picture courtesy of jennie jacob and lena flores).

mahinhin jennie's home


kuha ito sa bahay nina kuya pepe at ate lonie castillo. dito kami nanunuod ng video na ina-arkila ng tropa. parang bahay na din ito ng mga tropa . natatandaan ko kapag naulan at hindi makita ang tropa, siguradong na kina jennie pupunta. titingnan lang kung maraming tsinelas sa may puno ng haghan nila at siguradong naandoon sila at nanunuod ng palabas. ang kalokohan ng tropa ay kapag malapit nang matapos ang pelikula ay may bababa na at itatago ang kabiyak ng tsinelas at itatago sa bubong ng ulbo ng baboy ni ate lonie. siguradong hahanapin nila ito. masaya talaga noon. ang nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) vic pinco, kuya noel gutierrez, dennis pinco, cherrie valenzuela, jasmin castillo-poblete, jennie castillo-jacob, mag-asawang lonie at pepe castillo at sa harapan si ed pinco.(picture courtesy of jennie jacob and lena flores). (i-click ang picture para lumaki).